Pinangalandakang karma ng mga netizen sa social media ang masaklap na sinapit ng kuya ng Ateneo de Manila Junior High School-Quezon City taekwondo student athlete na nam-bully at nagmbugbog ng kaeskuwela niya sa video na nag-viral sa socmed nitong Huwebes.
Kinumpirma rin ng marami sa socmed na nabugbog-sarado ang nakatatandang kapatid niyang sa isa pang mala-nasusunog na bahay-kubong kumalat na rin sa socmed nitong Sabado.Ayon sa kumuha at nag-upload ng video na si Dop Savellanmo Posadas, pinagtulungan ng 5-6 o higit pang grupo rin na pinalalagay na mga estudyante rin ng eskuwelahan si Diego, pinagduduro-duro muna saka kinuyog ng mga kalalakihan.“Hahaha _______ ______ inuna na nila kuya mo!! Buti d ka kasama!!” hayag ni Posadas sa Pinoy Trend.Hindi rin awa ang umiral sa isang taga-City of Bradford na nagngangalit pa rin sa masamang inasal ng nakababatang jin.“This happened last night. Karma is real brush,” anang isang ????? ???????? o Drasya Degtyarev sa kanyang FB account.“#BugbogODignidad #NOTOBULLYING or #BULLYTHEBULLIES,” hirit pa niya, patumbok sa pagpapapili ng teenager jin sa matangkad na pinagsisipa at pinagsusuntok hanggang sa maduguan niyang schoolmate.
Mas marami pa rin ang mga nagpupuyos sa tinedyer na mag-utol at parehas na black belter taekwondo jins, at sa kanilang mga magulang dahil sa maling paggamit ng Korean martial art sport.Isa na rito si 1988 Seoul Olympian, Taekwondo Hall of Famer, Philippine Taekwondo Association secretary general Manuel Monsour del Rosario III na sinisi ang mga magulang ng mga Montes sa maling pagpapalaki sa mga anak.
“None of us are perfect. We’ve all made our mistakes and should not judge people loosely. But to the parents of the bully, let’s be very clear here. This is as firm a judgement as you will ever get from me. Your son is a failed representation of our beautiful sport,” giit ni Del Rosario, na isang ring congressman sa Makati City 1st Dist.
Ramil Cruz