Nasawi ang isang la­laki na nagnakaw umano ng isang kotse matapos makipagbarilan sa mga rumespondeng awtoridad sa Davao del Sur, kahapon nang tanghali.

Ayon sa ulat, ninakaw umano ng suspek na si William Bucod Milana, ng Sta. Cruz, Davao del Sur ang isang Toyota Hilux pick-up na nakaparada sa harap ng isang mall sa bayan ng Toril.

Sa salaysay ng drayber ng pick-up na si Elizer­ Curaza, iniwan umano niya ang sasak­yan para kumain sa isang karinderya, at hindi umano nito namala­yan na nanakaw na ito.

Nakita na lamang umano nito na umaandar na palayo ang sasakyan kaya nanghingi na ito ng tulong sa awtoridad na humabol naman sa papatakas na suspek.

Sa isang checkpoint ng Task Force Davao nasakote ang suspek ngunit nakipagpalitan ito ng putok sa mga awtoridad at pinatakbo pa ang sasakyan hanggang sa matamaan ng bala at mapatay sa Brgy. Binugao.

Wala pa umanong ibang impormasyon ang pulisya ukol sa nasawing suspek, nakuha lamang dito ang isang revolver.