Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP) ang mga produktong karne mula sa China na dumating noong Disyembe na nasu-ring positibo sa African swine fever (ASF).

Ang kargamento ay naka-consign sa Dynamic M Intl. Trading Inc., na naglalaman ng mga food item tulad ng dumpling, pork-chicken ball at roasted chicken wing.

Ayon sa BOC, ang container ay duma-ting sa bansa noong Disyembre 11, 2019 at isinailalim sa isang alert order dahil sa hinalang naglalaman ng mga misdeclared item.

Sa pagsusuri at laboratory test mula sa Veterinary Quarantine Service, ang mga dumpling ng baboy-kintsay ay nagpakita ng pagkakaroon ng virus, ayon sa ahensiya.

Ang ASF ay lubos na nakakahawa sa mga baboy at halos 100% na nakamamatay ngunit hindi nakakaapekto sa mga tao.

Dahil dito, iniutos ng MICP sa isang inter-agency team ang agarang pagtatapon sa mga produkto upang maiwasang kumalat ang sakit. (Mina Aquino)