Karo ng patay ginamit sa pagpuslit ng gin

‘Speeding’ hearse driver yields 3 boxes of gin hidden in casket

Kulong ang driver ng karo ng patay makaraang mabuking na may dala itong tatlong kahon ng gin na tinago pa sa kabaong.

Minamaneho umano ni Jeffrey Velasco, 23, ang sasakyan at pinatatakbo nang mas mabilis kesa sa normal kahit pa may kabaong sa loob nito. Tinangka rin umano nito na takasan ang quarantine checkpoint sa Brgy. Gayaman.

Dahil dito, natunugan umano ng mga awtoridad na may mali sa kinilos ng driver kaya hinabol nila ito at naharang sa Brgy. Biec. Nang siyasatin ang loob ng sasakyan at kabaong, dito na tumambad ang tatlong kahon ng gin na naglalaban ng 24 bote bawat isa.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act ang suspek.