Karylle, magpo-pole dancing sa S’pore

karylle
 KARYLLE

HAVEY: Pagkatapos i-record at i-promote ang Sabay Tayo kasama ang Spongecola at si Frank Magalona para sa Gilas Pilipinas at Philippine Olympic Team, magpapaalam pansumandali si Karylle sa kanyang local commitments primarily ang It’s Showtime para sa isang espesyal na assignment.

Secret pa lang daw ito ngunit ­hinuhulaang isang production ito ala The Kitchen ­Musicale.

May added value pa ito  Karylle’s new project daw involves training daw sa pole ­dancing at sa Singapore pa!

Sosyal itong anak ng Divine Diva, pang-Asian projects talaga ang talent niya.
Ibig bang sabihin nito ay on hold muna ang pag-aanak nila ni Yael?

Mukhang ganu’n na nga! Ang dami nilang masasayang moments na ine-enjoy together aside from composing and singing.

Sa social media accounts, nakikita ­nating ine-enjoy nina Karylle at Yael ang paggo-­grocery shopping, pagsali sa marathon at mountain ­climbing at iba pang sporty adventure.

Juday, peg ni Iza sa relasyon

WALEY: Birthday ngayon ng ating mahal na si Iza Calzado at sa after-gala dinner ng Kusina ng kaibigan niyang si Judy Ann Santos na sinupor­tahan niya ay binigyan na si Iza ng maagang asalto ng staff ng Sofitel para sa kanyang kaarawan.

Galing na galing si Iza kay Juday at sabi niya, lahat silang mga artista ay bilib at igina­galang ang husay at ­dedi­kasyon ni Juday, hindi lang sa kanyang art kundi maging sa kanyang pamilya.

“Sila talaga ni Kuya Ryan ang relationship peg ko,” sabi ni Iza. “Hindi ko man marating ang natamo niya sa industriya mula pa noong nagsimula si Ate Juday noong bata pa siya ay sobra na akong honored na makatrabaho ko siya at maging parte ng close family nila sa showbiz.

“At kasabay ng ­galing niya bilang artista, totoo at mabuting tao siya ta­laga. I wanna be like her when I grow up,” wishful thin­king ni Iza.

iza-calzado
                IZA CALZADO

Hangad ni Iza na makatrabaho niya ulit si Juday na nakasama na niya sa Sabel at Ouija.

Sa ngayon, ginagawa ni Iza ang teleserye nila nina Bea Alonzo at Ian Veneracion para sa ABS-CBN.

Nakatapos na rin siya ng mga pelikula with Jerrold Tarog at Jun Lana, at magsisimula ng isa pa with Dan Villegas.

Isa sa iniisip nilang mapagsasamahan nila ay ang remake ng pelikulang Beloved.

Si Juday ang gaganap ng dating papel ni Nora Aunor at si Iza ‘yung kay Hilda Koronel.

Si Dingdong Dantes naman si Christopher de Leon at si Dennis ­Trillo ang Dindo Fernando (kapag sa labas ng ABS-CBN ang casting.)

Isang pribadong birth­day celebration ang meron si Iza kasama ang kanyang boyfriend na boss ng #1 Food App na Booky na si Ben Wintle.

Magpo-propose na ka­ya si Ben ngayong birthday ni Izadora? Handa na ba si Iza na magpakasal?

Matanong nga. ­Happy birthday na lang muna Izadora!