
NAALIW-ALIW si Karylle kay Ruffa Gutierrez habang nasa backstage sila ng isang Watson’s event sa SM City Cebu.
Pati kami ay nalokah nang marinig namin ang dialogue ni Ruffa kay Karylle na, “My gosh! Naging boyfriend mo pala si Dingdong Dantes? I didn’t know. Napag-usapan lang the other night, kaya nalaman ko!”
Natawa si Karylle sa sinabi ni Ruffa, pero siyempre, quiet na lang ang singer/actress dahil ayaw na niyang magkaroon pa ng issue!
Sabi ni Ruffa kay Karylle, noong time kasi nito with Dingdong, sa Istanbul, Turkey siya based, kaya clueless siya.
***
Sa Cebu pala magpapakasal sa Agosto ang socialite at dating TV5 host na si Divine Lee.
Hindi si Victor Basa ang pakakasalan ni Divine dahil matagal na silang hiwalay, ‘noh?!
Isang Chinese businessman from Cebu, si Blake Go, ang mapapangasawa ni Divine.
Marami raw celebrities ang pupunta sa Cebu para sa kasal ni Divine.
Teka! Ano na ang nangyari kay Victor after nilang maghiwalay ni Divine? Wala yata kaming masyadong nababalitaan tungkol sa aktor!
***
Mamayang gabi na ang pilot telecast ng Mulawin vs. Ravena sa GMA 7.
Big event para sa Kapuso network ang pilot telecast ng primetime telefantasya na ito.
Noong 2004, biglang umangat ang Siyete dahil sa original na Mulawin na pinagbidahan nina Richard Gutierrez at Angel Locsin.
Hindi ba sa book ng ABS-CBN big boss na si Ms. Charo Santos-Concio, ang My Journey: The Story of an Unexpected Leader, inamin ng actress/TV executive na ang success sa ratings game ng Mulawin noong 2004 ang dahilan kaya muntik pa siyang mag-resign sa Kapamilya network?!
Eh, itong Mulawin vs. Ravena, mukhang gustong siguraduhin ng mga taga-Kapuso network na magtatagumpay rin sila, dahil inilagay nila rito ang napakarami nilang top stars katulad nina Regine Velasquez-Alcasid, Lovi Poe, Tom Rodriguez, Dennis Trillo, Carla Abellana, Heart Evangelista, at iba pa.
Anyway, pinag-uusapan ang ganda ng special effects ng Mulawin vs. Ravena, kaya inaasahan talagang tututukan ito mamayang gabi sa Siyete pagkatapos ng 24 Oras.
Syempre, panggulat ang Dos sa primetime teleserye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano na katapat ng Mulawin vs. Ravena?
***
Birthday kahapon ng Superstar na si Nora Aunor at 64 y/o na ang actress/singer.
Tinext namin si Mama Guy para batiin ng happy birthday at nag-reply siya at nagpasalamat.
Sinabihan namin ang Superstar na i-enjoy ang kanyang araw at muli ay nagpasalamat si Mama Guy.
In fairness sa Superstar, kapag nagte-text kami sa kanya, nagre-reply siya.
May pagkakataon din na nakatanggap kami ng text mula sa Superstar na nagpapasalamat sa mga naisulat namin tungkol sa kanya.
Nagulat pa kami that time dahil nag-effort pa pala si Mama Guy na alamin ang cellphone namin para mapasalamatan kami.
Mas dapat tanungin kung kumusta na kaya ang tatay ni Divine Lee?!