NI: ROLDAN CASTRO
Patuloy ang pagtulong nina Jericho Rosales at Matteo Guidicelli para tulungan ang mga apektado ng COVID-19 pandemic.
Nakipagtulungan sila kay Drew Arellano para sa kanilang garage sale sa IG account na @drewscloset_ph. Ibinenta nila ang kanilang motorcycle jacket, designer shirts at ilang kagamitan.
Ang kinita ng garage sale ni Echo na P73,800 ay napunta sa Lockdown Cinema Club. Sila ay binubuo ng mga Pinoy filmmakers na tumutulong sa mga displaced workers ng movie industry.
Ang proceeds ng kinita naman ni Matteo na P17,800 ay sa Puso Kitchen ng Mount Purro Nature Reserve Foundation ng Antipolo, Rizal . Nagsu-supply sila ng pagkain sa mga residente ng Barangay Calawis.