TULOY na raw ang pagpapakasal ni Rosanna Roces sa kanyang kasintahang tomboy na si Blessie.
Nakatakda na raw ang kasal sa December 10 ng taong ito sa Antipolo.
Ang isa raw sa napipisil nilang mag-ninang ay si Nora Aunor na naging close sa kanila.
Maayos daw siyang nagpaalam sa kanyang Nanay at pumayag daw sila dahil nakikita raw nilang tumino si Rosanna sa kanyang partner.
Sabi raw ng dating sexy actress, bukod sa namayapa niyang ama, dito sa partner daw niyang tibo siya sumusunod.
Nabanggit din ni Rosanna sa isang interview na ang kaibigan niyang si Butch Francisco ang maghahatid sa kanya.
“Si Butch kasi, parang kuya ko na siya, eh. May sikreto siya na ako lang nakakaalam. Plus ilang apo ko, siya ang ninong. So, hindi na talaga iba sa akin si Butch,” pahayag ni Osang.
Open daw sa media ang wedding niya, kung gusto nila itong i-cover.
Hiningan ng reaksyon si Manay Lolit tungkol sa pagpapakasal ng dating alaga at napa-YUCK na lang ito.
Manay Lolit, ‘Yuck!’
Lalo siyang nalokah nang nalamang si Butch ang maghahatid sa altar.
Magkakasama noon sina Manay Lolit, Butch at Rosanna sa Startalk ng GMA 7.

May nagpatanong na reporter kung type bang daluhan ni Manay Lolit ang kasal sakaling imbitahin siya.
Hindi na namin tinanong dahil alam naming wala siyang kabalak-balak.
Sa tono kasi ng mga pahayag ni Rosanna, tila gusto na niyang makipag-ayos sa mga nakaalitan niya.
Sabi raw nito, “Huwag na natin lagyan ng puwang ‘yung mga negativity sa buhay natin.”
Hindi na kami nangahas na tanungin si Manay Lolit at baka lalo lang siyang ma-nega.
Para sa kanya, huwag na lang pag-usapan ang dating alaga dahil matagal na siyang nakapag-move on at wala nang nega sa buhay niya.
masasabi ko lang kay Lolita Chaka at Osang………… PWE!