Kasalanan ni Kris kung mataas ang BP

kris-aquino
tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioMay mahabang aria si Kris Aquino tungkol sa Crazy Rich Asians na sa mga nakapanood na nito, tanggap na best in cameo ang Digital Empress.
May entrance in slow motion na nakatalikod siya. May isang close up. May eksenang kausap sandali ang bidang babae at ‘yun na ‘yun, nawala na siyang parang bula.
‘Yung emote niya na, “i was so stressed & anxious that my BP was at hypertensive crisis level. There was FEAR that if it did poorly here, i’d be the logical punching bag & laughingstock.” siya ang may kasalanan kung bakit nangyari ang ganung health status niya.
Si Krissy naman, ang drama, parang siya talaga ay bidang-bida. Hindi ba dapat ang ma-stress in a major, major way eh si Cons­tance Wu, ang babaeng puwedeng maging pinsan ni Nadine Lustre o Jasmine Trias dahil magkakawangis ang mga mukha nila? Si Wu ang bida, Aquino, hindi ikaw.
Ang masasabi ko sa hanash mo na, “My cameo appearance in a historically significant, phenomenally successful #1 Hollywood movie championing INCLUSIVITY for all Asians elevated Filipinos- 1 of us was chosen to be the only ROYAL in the fantasy world of CRAZY RICH ASIANS,” talaga naman, ang heart’s desire na maging “royal”, hindi talaga maitago, hindi puwedeng itatwa, super ingrained na sa psyche niya, huh!
May hulog naman ang kanyang final kuda, “To all the Rachels, never allow the Eleanors to bully you. BE BRAVE because of your intelligence, personal achievements & your courage to LOVE.”
Hindi masyadong halata na si Krissy, super identify kay Rachel kahit pa nga sa true lang, mas keribels niyang maging Eleonor. Hindi ko nga lang sure kung kaya niyang tapatan ang husay ni Michelle Yeoh, huh!
***

LizQuen, JaDine ‘di umubra sa KathNiel

Dalawang Pinoy movies ang making a killing sa box-office. Una siyem­pre rito, ang Sarah Geronimo led Miss Granny at ang kasunod, ang The Hows of Us, kung saan bida ang superstar love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Ayon sa opisyal nilang pralala, P35.9M ang opening day gross nito. Pinatunayang muli nina Padilla at Bernardo na sila pa rin talaga ang leading young adult coupling sa kasalukuyan.
Hindi pa uubra ang JaDine. Mas lalong walang arrive ang LizQuen at ang nawala na sa dilim na ChardMaine o AlDub, wala talagang binatbat. Sa tagumpay nilang ito, walang duda na KathNiel reign supremely!
Kung aanalisahin natin ang tagumpay na ito, ano ang mga aral rito?
Una, ang mga manonood, ayaw sa mga sinungaling, gusto at mahal nila ‘pag ang kanilang idolo ay tapat. Si Padilla ang umamin na limang taon na mahigit ang relasyon nila Bernardo. Ang kanilang mga fanatic at supporter, mas umigting ang pag-asa at paghanga ang how did they show their love sa dalawa, alam na alam na!
Ang mga fan na hindi magpapakabog, block screenings kete block screenings kete block screenings kaya presto, ang persepsyon na nabuo sa movie going public, positibo! Ang KathNiel fandoms, maliban sa block screenings, in full use ang kanilang social mediums, enticing and seducing, even the doubting Thomases and naysayers na panoorin ang pelikula.
‘Pag ang Pinoy, gusto at nanalig talaga sa inilalakong pelikula, manonood at manonood sila, itsurang P270 to P290 pa ang ibabayad nila sa takilya. Maraming yayamanin at tunay na middle class na KathNiel fans kaya afford nila ang presyuhan.
Sabi, good luck comes in threes. Ang Goyo: Ang Batang Heneral na pinagbibidahan ni Paulo Avelino kaya ang pangatlong pangmalakasang pelikulang kikita sa takilya. Sinumulan ni Sarah, sumunod ang KathNiel, kay Avelino kaya ang tandang pandamdam na gigiba sa Pinoy films box office race? Harinawa!