SINORPRESA ni Jennylyn Mercado ang nobyong si Dennis Trillo sa 36th birthday nito last May 12.

Si Dennis ay hindi­ na sinorpresa si Jen sa birthday nito nu’ng May 15 dahil sabi sa amin ni Den, baka hindi na ito masorpresa kung puro na lang surprise.

At saka matagal nang naplano ni Jen ‘yung salubong birthday party­ nito last Sunday dahil 30th birthday nito.

Kuwento ni Dennis­ nang matsika namin siya sa grand press launch ng Mulawin vs. Ravena, masaya ang celebration nila ng birthday ni Jen, na swimming party with close friends and relatives.

Nakita namin sa pics na pinost ng Niceprint Photo sa Instagram na summer luau ang theme ng JenAt30, na parang mga bata ang DenJen na may hawak na water guns sa may tabi ng pool.

Nu’ng gabi ay naging rave party ang ganap, na meron pang nag-perform na dancers na may LED at laser lights ang costume, na pinost ni Den ang video sa IG.

Doon sa pa-birthday surprise sa kanya ni Jen ay ang gandang makita­ na bonded ang mga pa­milya nila.

Nag-jamming pa ang mga fadir nila na pareho palang mahilig sa music.

“Oo nga, eh. Nakakatuwa na nagkakasundo sila. Alam mo ‘yon? Nakakataba ng puso na makita na okey ‘yung relasyon nila,” pakli ni Dennis.

Sila ng tatay ni Jen (na si Mr. Noli Pineda) ay magkasundo kaagad dahil mahilig din sila pareho sa music.

At sobrang bait daw ng tatay ni Jen kaya madali itong pakisamahan.

Tumangging i-share ni Den kung anong regalo niya kay Jen nu’ng birthday nito.

Sa kanila na lang daw ‘yon at ayaw niyang magbigay ng detalye sa mga ganu’ng bagay.

Ang birthday wish niya for himself ay ma­ging healthy pa sana siya at maganda ang maging kalabasan ng Mulawin vs. Ravena dahil ibinuhos nila lahat sa bagong telefantasya ng GMA.

***

Bakit may balitang nag-propose na si Dennis kay Jen?

“Hindi ko alam,” mabilis na sagot ng Kapuso actor, na muling gaganap bilang si Gabriel, ang hari ng Halconia sa Mulawin vs. Ravena.

“Hindi, wala pa. Hindi ko rin alam kung bakit may ganu’n.”

Pero puwedeng malapit na ‘yon dahil ganu’n na kaseryoso ang relasyon nila ni Jen, ‘di ba?
“Mangyayari ‘yon ‘pag oras na, ‘di ba?” matipid niyang sagot.

Malapit na nga ba?

“Hindi ko masabi, ayo­kong bigyan ng oras.”

Bakit may tsikang may engagement ring na si Jen?

“Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yon. Wala pa.”

Bale ito na ang se­cond chance nila ni Jen at love. How do they make things better this time?
“Well, tsine-cherish lang namin lahat ng oras na magkasama kami at ine-enjoy lang namin ang buhay namin.

“‘Yung magagandang nangyayari sa buhay namin, sa career. Lalo na ngayon, pareho kaming may magagandang shows, na major shows ng GMA.

“Ine-enjoy lang namin. Siyempre, ‘pag gusto mong makasama ‘yung tao, kahit busy ka, gagawan mo ng paraan na makasama siya.”

Eh ang kasal, napag-uusapan na ba?

“Wala pa. Sabi ko nga, busy pa kami sa career namin and all.”

Kapag engaged na sila ni Jen, ia-announce ba nila ‘yon sa publiko?

“Hindi ko alam, eh. Hindi ako ‘yung ganu’ng klaseng tao na broadcast lahat ng nangyayari sa buhay.

“Ewan ko. Kung mangyayari, mangyayar­i,” sam­bit pa ni Dennis.

Sa Lunes na (Mayo 22) ang paglipad ng Mulawin vs. Ravena sa GMA Telebabad.