Kasalang Sarah-Matteo, mas big deal kesa kina John Lloyd at Ellen

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

KUNG sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna nga ang mga bida sa bulag na balitang nagpakasal na, malaking bagay ba para sa ating lahat?

Simula kasi nung naging “sila”, you and me against the world na ang kanilang drama kaya kung talagang sila ang mga personalidad na nagpakasal at tiniyak nilang sila-silang lang ang nakaalam, eh di sige. Of age na ang dalawa at kung ito ay kasalang minadali, itinago o trip-trip lang, tuloy pa rin ang buhay, iikot pa rin ang mundo, hindi naman sila ang center of the universe ng showbizlandia.

Sa pag-iisang dibdib nila, mababago ba nito ang katotohanang ang presyo ng piso sa merkado, is an all time low?

Sa kanilang pagsasabihan ng “I do”, pupunta na ba ang pinakamakapangyarihang  Ginoo sa Benhan Rise, sasakay na sa speed boat at itatanim ang bandera ng Pilipinas nating mahal sa nasabing lugar?

Sa kanilang pangakong “till death do us part”, bigla bang lilinaw ang Ilog Pasig at babango na ito?

Alam na alam niyo na dear readers ang sagot sa mga tanong, ‘di ba? Hindi. No. Nada. Nay!

‘Wag na tayong magkunwari na “big deal” ang pagpapakasal nilang dalawa. Sana lang, walang pressure on both parts to tie the knot at talagang wagas na pagmamahalan ang dahilan kaya they did it.

Kung sina Sarah Geronimo at Matteo Guidecelli siguro ang kinasal, may bagsak panga factor, kasi nga paano nakalusot kay Mommy Divine?  Sa edad nina Sarah at Matteo, hindi na nila kailangan pa ang “parental consent” para magpakasal.

Kung sina Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao naman ang kunyari eh ililihim ang kasal, same reaction rin tiyak ang balana, dabarkads at madlang pipol sa kanilang new forever, sana ay mga matatanda na silang may pinagkatandaan lalo na nga’t hindi naman ito ang unang pagkakataon na sila ay ikakasal.

Sintunadong performance ni Jaya ikakalat

PARANG sinasakal ba ang pakiramdam ni Queen of Soul Jaya lalo na nga’t matapos niyang ipa-gong ang mga contestants sa tawag ng tanghalan portion sa It’s Showtime?

Kasi bilang punong hurado, naging mahigpit si Jaya sa mga singing contestants kaya hindi isa, kundi tatlo sa kanila ang umuwing luhaan matapos ma-gong.

Ang gong sa tawag ng tanghalan ang hudyat na may mali sa pagkanta ng isang kalahok, maaaring wala siya tono o mali ang tunog, o kaya nakalimutan ang lyrics.

Pasensya at pang-unawa ang hiling ni Jaya sa mga manonood. Aniya pa sa kanyang post, “Song choice talaga ang importante. At tapang at lakas ng loob kasama ng talento. Wish you could hear what we hear in our ear pieces.”

Sa mga haters niyang ayaw tumigil sa pagratrat sa kanya, ang pahayag lang ni Jaya, “I looove haters!!! God bless you.”

Sa pangyayaring ito, hindi kaya mas maging agresibo sa pananaliksik ang mga haters ni Jaya at ipakalat ang kanyang mga live performances na parang sintunado rin ang kanyang pag-awit?

Naku ha, ‘pag ang mga hater may mga ganitong resibo, grabe, ang dami niyong panahon!

Modelong bodyguard ni Joel Cruz, may scandal

BAGAMA’T wala  na sa limelight ang commercial, print at ramp model na si Jiro Shirakawa kasi nga staff at bodyguard ito ni Lord of Scents Joel Cruz, kataka-taka at kakahibang na biglang bumulaga sa isang pink portal ang isang lalaking kamukhang-kamuhka ni Jiro na sakal-sakal lang naman ang kanyang ari-arian.

Sa thread, nakakaloka ang mga komento tungkol sa pagkalalaking ibinuyangyang, halos lahat, sarap na sarap sa pinagmamasdang palo-palong in display.

Nung huli kong nakapanayam si Joel, ang alam ko wala siyang lovelife at kahit pa nga may three sets of twins, may mga gabing malulungkot pa rin siya, nagtataka at nagtatanong kung bakit walang romansa sa kanyang buhay.

Well, well, well…. may tamang panahon naman, para sa lahat, Joel Cruz. Darating rin ang papa can you hear me mo.