Alam niyo bang ang ugat o simula pala ng matinding away, kontrobersya, mga kaso, at mga sakit ng ulo ng may-ari ng Okada Manila na si Kazuo Okada ay dahil sa kanyang pambababae.

Ayon sa aking bubwit, matulis pala si Okada at nag-ugat ang mga sakit niya ng ulo nang maging girlfriend at ipagpalit sa kanyang misis ang isang batang-batang Koreana na kanyang ibinahay at ginawang manager ng Okada Manila Food & Beverages Dep’t.

Pagkatapos hiwala­yan si Mrs. Okada, ibinahay ng casino mogul ang kanyang girlfriend na dating empleyado sa isang 5-star hotel sa Seoul, South Korea at parati na niya itong kasama sa publiko, isinasakay sa private jet, sa kanyang yate, at dinadala sa mamahaling mga lugar at bakasyon.

Ayon sa aking bubwit, nagalit kay Okada ang kanyang misis at dalawang anak na lalake at isang babae at naglunsad ang tatlo ng all-out war laban sa patriarch na ugat ng mabigat nitong mga problema ngayon.

Pinatalsik nila si Okada bilang chairman at chief executive officer ng korporasyon sa botohan ng mga miyembro ng board na kanilang inimpluwensiyahan at kinontrol para makuha ang gusto nila.

Kaya ayun, talsik si tatang Okada-san at nag-takeover sa negos­yong itinayo at pinalaki niya nang husto ang kanyang mag-iina.

Nakadagdag pa sa sakit ng ulo ni Okada ang problema niya sa Department of Justice matapos maalis sa Parañaque City Prosecutor’s Office ang kaso tungkol sa Okada Manila.

Ayon sa aking bubwit, ang chiching din ni Okada ang may kasalanan kaya naalis ang kaso sa fiscal ng Parañaque. Na mabait kay Okada at nalipat sa istrikto at mahigpit na DOJ main: dahil sa saya ay nai-‘leak’ ni Koreana ang resolusyon dahilan para umalma ang kampo ng mag-iina ni Okada at hilinging malipat ang paghawak ng kaso.