Nagtala ang Bacoor City sa Cavite na may pinakamataas na bilang ng kaso sa Human Immunodeficiency virus o HIV sa rehiyon.

Ayon kay Dr. Michael Angelo Marquez, Medical Office III at Head ng City Social Hygiene Clinic, ito ang dahilan kung bakit nagsagawa ng isang araw na seminar workshop sa mga kabataang estudyante para pag-usapan ang lumalalang kaso ng HIV.

Tinawag itong “Peer Educator’s Training for Junior and Senior Students and Teacher on HIV/AIDS” na isinagawa sa Revilla Hall, Bacoor Government Center sa Bacoor City, Cavite na dinaluhan ng 161 na estudyante, mga teacher at guidance councilor kung saan layon nito na mabigyan kaalaman at ipamulat sa kanilang isipan ang epekto ng HIV/AIDS sa rehiyon.

Base sa pagtaya ni Marquez, pabata na ng pabata ang naitalang kaso ng HIV/AIDS kung saan mula 12-anyos pataas ay nahahawaan na ng ganitong sakit. (Gene Adsuara)