Nakaalerto ngayon ang Department of Health (DOH) sa Davao bunsod ng paglobo ng mga dinadapuan ng sakit na ketong o leprosy.

Ito ay matapos iulat na nasa 39.2 porsiyento na ang kaso ng leprosy sa Davao region sa taong 2017.

Ayon kay Dr. Vergel Bautista, DOH-Davao Leprosy Control Program medical coordinator, nakapagtala sila ng 174 cases sa nakaraang taon.

Sa limang probinsiya ng Rehiyon 11 ang Davao del Sur ang siyang may pinakamaraming kaso na umabot ng 19 kung ikumpara sa ibang mga probinsiya na mayroon lamang tiga-lima.

Sa fourth quarter ng 2017, aabot ng 63 pasyente ang na-diagnose na mayroong leprosy pero hindi umano taga-Davao City ang mga ito kung hindi pawang nagmula sa ibang mga siyudad at probinsiya na nagpapagamot lamang sa SPMC.

Samantala, isasagawa ng DOH ang kanilang Worlds Leprosy Day celebration sa Bansalan, Davao del Sur na may temang ‘Fighting Disease, Poverty and Prejudice’.

Layon nito na hikayatin ang publiko na kaagad magpagamot upang hindi makahawa o kaya’y mahawaan ng naturang sakit.