Hiniling ng Department of Justice (DoJ) sa ­Supreme Court (SC) na mailipat sa Metro ­Manila ang pagdinig sa mga kasong kinahaharap nina ­Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog at kapatid na si Reynaldo Jr. mula Ozamiz City.

Base sa sulat na may petsang Agosto 17, sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ang pagnanais nilang mailipat ang mga kaso sa Manila ay para mapadali ang pagdinig sa mga kaso at para sa ­kaligtasan ng mga abogado na hahawak sa kaso.

Ayon kay Aguirre, kung pagbibigyan ng SC ang kanyang hirit ay posibleng ilipat ang pagdinig sa Quezon City RTC (Regional Trial Court).

Ang magkapatid ay kasalukuyang naka­detine sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.