Inihayag kahapon ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na inaasahan na niya ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) patient sa bansa kasunod ng ginawa nilang pagpapalawak sa pagsusuri.

“Dahil dumarami rin ang ating tine-test, nakikita rin natin ang positive cases. Although, siyempre, dahil sa global short- age ng supply chain ng test kits, hindi pa rin tayo makatodo,” ayon kay Duque.

“Ganon naman ang naging karanasan sa lahat ng bansang nagkaroon ng mataas na bilang. Ang kanilang testing capacity napalawig nila,” dagdag ng kalihim.

Nabatid na may 2,000 testing kit ang DOH kada linggo at inaasahan nila na may darating pang 12,000 mula sa China at 5,000 sa South Korea.

Sinabi ni Duque na hindi problema ang pambili ng mga testing kit kundi talagang may kakulangan sa supply nito sa buong mundo. Gayundin, sinabi ni Duque na gusto nilang makasiguro na maayos ang gagawing testing mahirap kasi kung sablay ito. “Kung mas marami kang mate-test, mas liliit iyong fatality rate mo,” ayon kay Duque.

Sinabi pa ni Duque na sa kasalukuyan, 7% ang mortality rate ng mga kaso ng virus infection sa Pilipinas. (Juliet de Loza-Cidia)