Posibleng talakayin ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Indonesian President Joko Widodo ang kaso ng nasa death row na overseas Filipino worker (OFW) sa Indonesia na si Mary Jane Veloso.
Sinabi ng Pangulo na maaaring matalakay ang kaso ni Veloso sa restricted meeting sa pagitan ni Widodo ngayong araw, Biyernes, Abril 28.
“It will be an opportune time for — to discuss it during the restricted meeting,” ani Pangulong Duterte sa panayam ng media sa Malacañang kahapon ng hapon.
Lalapag sa Pilipinas si Widodo para sa kanyang state visit bago ang pagdalo nito sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) leaders’ meeting.
Gayunpaman, nilinaw ni PDu30 na nakadepende sa lider ng Indonesia kung papayag itong maungkat ang kaso ni Veloso.