Binasura ng Lapu-Lapu City Prosecutors Office ang kaso laban sa binatilyo na sinasabing suspek sa brutal na pagpatay kay Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Ayon kay City Prosecutor Ruso Zaragoza, nagdesisyon ang prosekusyon para i-dismiss ang kaso na hinain ng National Bureau of Investigation laban sa 18-taong gulang na suspek dahil umano sa kakulangan sa ebidensya. Sa halip, inirerekomenda nitong kasuhan ng murder ang 43-anyos na si Renato Llenes na umaming pumatay kay Silawan.
Una nang napaulat ang pag-amin diumano ni Llenes sa pagpatay kay Silawan dahil sa obsession nito sa huli na kinaibigan sa social media bago patayin noong Marso 11 sa pamamagitan ng saksak at pagbalat sa mukha nito.
Kaugnay nito, pinayagan na ring makalabas ng Home Care Facility ang 18-anyos na suspek.