Kaso vs tokhang cops delikadong mabasura

Inatasan ni Sen. Panfilo Lacson ang mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na mag-usap upang pagtugmain ang mga ebidensiya laban sa mga pulis na sangkot sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick-Joo dahil namumurong ma­dismis ang kaso dahil sa pagbabanggaan ng mga iprinisintang ebidensiya.

Sinabi ito ni Lacson matapos maguluhan sa nagsasabong na bersyon ng NBI at ng PNP hinggil sa insidente ng pagdukot at pagpatay kay Jee sa loob ng Camp Crame noong Oktubre 18, 2016.

Itinuturo ng PNP si SPO3 Ricky Sta. Isabel na siyang pumatay sa sakal kay Jee subalit sa bersyon ng NBI, hindi primary suspect ang naturang pulis bagkus ay gusto pa itong gawing state witness kung hindi lang ito disqualified dahil isa itong pulis.

“Kahit hindi siya makapasok sa WPP kung ipu-pursue ‘yung theory ng NBI, posible siyang ma-discharge as a state witness. Sa theory naman ng PNP, diin na diin naman si SPO3 Sta. Isabel.

Alam n’yo pagdating sa court, magkaroon lang ng kaun­ting doubt kasi ang kaila­ngan sa conviction is guilt beyond reasonable doubt and if we fall pray or fall victim to disinformation, intrigues baka mag-suffer ang kaso.

Maawa naman tayo sa biyuda at maawa naman tayo sa susunod na biktima pag nakalusot ‘yung mga involved dito,” ani Lacson.

“Baka puwedeng i-re­concile ang mga ebidensiya … eh puro kayo batang Davao eh. Right after this hearing mag-case confe­rence kayo,” giit ni Lacson kina PNP chief Dir. General Ronald ‘Bato’ dela Rosa at NBI chief Dante Gierran,