Kasong libel sinampa: Sobrang sakit mapagbintangan – Aiko

Nagsampa ng kasong libel si Aiko Melendez laban kay Zambales Vice Governor Angelica Magsaysay-Cheng kahapon ng umaga sa Olongapo Office of the City Prosecutor.

Kasama ang abogadong si Carlo Bonifacio Alentajan at boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun, dumulog si Aiko sa sala ni Associate Provincial Prosecutor Ritchie John Distor Bolano para magsumite ng kanyang complaint-affidavit.

Sa kanyang inihaing reklamo ay nakasaad ang mga umano’y paninira ng nasabing Vice Governor laban sa kanyang reputas-yon partikular na nga ang pagsasangkot sa kanya sa droga. Bukod pa rito ang pagtawag umano sa kanya ng “kabit.”

“On or about MAY 2, 2019, in Subic, Olongapo, Zambales, Complainant discovered that respondent Magsaysay-Cheng created a mobile video exhibition with online postings on Facebook.com, containing false, libelous, and defamatory accusations against herein complainant,” ang parte ng nakasaad sa complaint.

“Respondent cause this malicious video, showing complainant’s face together with the words “sangkot sa droga” and spread it through Facebook and other social media, as well as in Subic, Olongapo and other Zambales municipalities,” bahagi pa ng isinumiteng reklamo ni Aiko.

“May van na umiikot sa buong Zambales, may LED na umiikot na malaki, and then, pine-play ‘yung video na may picture ko and nakalagay, ‘sangkot sa droga,” pahayag ni Aiko nang makapanayam namin matapos ang kanyang pagsasampa ng kaso.

Para kay Aiko ay sobrang foul na raw ito at naiyak siya sa ibinibintang na ito sa kanya.

“Sobrang sakit na mapagbintangan. I’ve been in this business for 30 years, I was never linked to any drugs issue. And yearly pa nga, ‘di ba, nagpapa-drug test ako? Pino-post ko ‘yan sa IG ko to set an example sa mga kasamahan ko sa industriya, tapos, ako ang pagbibintangan ng ganu’n.

“And I’m not gonna allow anyone naman to tarnish my reputation just like that. I worked hard for my name. And this is so unfair. Parang hindi na tama.

“Kung ang kalaban niya si Jay, I would understand (kung) si Jay (ang tinitira). Pero ako. . .” pahayag pa ni Aiko.

“This is a fight between Jay and Angel sa politika. Pero itong ginawa niya sa akin, personal ‘to, eh. And wala kang ebidensiya. Bakit mo ako isasangkot sa isang bagay na wala kang ebidensiya. Kaya kami nakikipaglaban ni attorney,” aniya pa.

Reputasyon na raw niya ang at stake rito, bukod pa nga sa inaalala rin niya ang mga anak na maaaring maapektuhan.

“Ano na lang ang sasabihin ng mga anak ko kung mababasa nila ‘to? And if I don’t do anything about it, mauulit ‘to to anyone, to anybody. That’s why I’m going to fight this through,” ani Aiko.

Si Vice Gov. Angel at Subic Mayor Jay ay mahigpit na magkalaban ngayong halalan bilang Vice Governor sa Zambales.

Nilinaw ni Aiko at ng kanyang legal counsel na walang kinalaman ang eleksyon sa pagsasampa nila ng kaso at sa pagtutunggali ng dalawa sa halalan.

“This is not election-related. Aiko is a woman, she has rights, everybody has rights. She’s also a mother of 2 and she’s just protecting her rights by filing this criminal case. It’s not even related to this elections,” pahayag ni Atty. Alentajan.

Samantala, bukas naman ang pahina ng Abante Tonite para sa panig ng kampo ni Vice Gov. Angel Magsaysay-Cheng.