
Makahulugan ang tweet ni Maine Mendoza na, “So much happier now than I’ve ever been and so so grateful for that.”
Ang reaksyon ng mga netizen, mas masaya at mas inspired ngayon si Maine, pero hindi si Alden Richards ang dahilan nito.
Nagkaroon ng Timeless event ang AlDub Nation kamakailan na dinaluhan nina Alden at Maine, pero tila tanggap na ng AlDub fanatics na hanggang doon na lang ‘yon at kanya-kanya nang buhay ang dalawa.
Kung noon ay sinasabi ng ilang mga AlDub fan na nakatakdang ikasal sina Alden-Maine sa Vatican sa December, this time ay mukhang tumigil na sila sa ilusyon nilang ‘yon dahil wala naman talagang magaganap na gano’n.
Alam ng lahat na kay Arjo Atayde nali-link ngayon si Menggay at may posibilidad na may relasyon na ang dalawa, so kahit anong kaswitan pa ang ipakita ng AlDub doon sa nasabing event ay walang ibang kahulugan ‘yon.
Karapatan ni Maine ang lumigaya sa sinumang tao na magbibigay sa kanya ng happiness na hinahanap niya. Kung si Arjo man ‘yon ay dapat tanggapin ito ng fandom nila ni Alden.
Sa mga nakita naming pic at vid na kuha sa AlDub event, hindi namin maiwasang manghinayang dahil kahit pa magkatabi sina Alden at Maine ay wala na ‘yung dating spark at magic ng tambalan nila.
Kahit pa magswit-switan ang dalawa, ang naiisip namin ay ‘yung pagpunta ni Maine sa Bali para makasama si Arjo nu’ng birthday nito. At ‘yung matching costumes nila nu’ng Halloween at ang pagiging spotted nilang magkasama sa kung saan-saang lugar.
Nanghinayang kami dahil narating ng AlDub loveteam ‘yung klase ng kasikatan na hindi naabot ng iba. Pinataob nila lahat ng sikat na loveteam nu’ng height ng pagka-phenomenal nila.
Tapos ngayon, three years after ay waley na. Sayang ‘yung potential nu’ng tambalan, na puwede sanang mag-evolve into another KathNiel kung naalagaan nang tama.
Imagine kung gaano na kalaki ang KathNiel ngayon? Record holder ng highest-grossing Filipino film of all time! Parang kaya rin sana ‘yon ng AlDub kung na-maintain ‘yung momentum nila at naiplano nang maayos ang career path nila.
Kaya doon mo hahangaan ang ABS-CBN at Star Magic sa pag-aalaga ng mga artista nila.
Nakakapanghinayang lang. Pero at least, mas happy si Maine ngayon kumpara noon. ‘Yun naman ang mahalaga, ‘di ba?
Sana si Alden ay mas masaya rin ngayon sa buhay niya.