Katapusan nina Omar at Isnilon pruweba ng pangakong kapayapaan ni Duterte

Katuparan ng pangak­o ni Pangulong Rodrigo­ Duterte, na dalhin ang kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao, ang pagkakapaslang kina Omar Maute at ISIS Emir Isnilon Hapilon.

Kasabay nito ay nagpaabot si Presidential Communications Secretary Martin Andanar ng pagbati sa lahat ng magigiting na sundalong naging bahagi ng operasyon sa Marawi City sa matagumpay na operasyon na ikinasawi ng da­lawang nabanggit na lider­ ng mga terorista.

Ayon kay Andanar, muli umanong nahayag ang malasakit at pagtupad ni Pangulong Duterte sa kanyang mga ipinangako sa tagumpay ng militar.

Sa kabila aniya ng mga kritisismo na ibinabato sa administrasyon ay hindi nagpatinag ang Presidente­ at ipinagpatuloy ang pagbawi sa Marawi City gamit ang kaniyang buong­ magagawa.

Dagdag pa ni Andana­r na muling ipinakita ng Pangulo ang madalas nitong ipinapahayag na gagawin nito ang lahat ng bagay, maging ang pagsasakripisyo sa kaniyang sarili para protektahan ­lamang ang sambayanan.

Sa ngayon ay itutuon na aniya ng pamahalaan ang pansin sa rehabilitasyon at rekons­truksyon sa Marawi sa oras na matapos ang clearing operations ng militar upang maging kabahagi na ang lungsod sa patuloy­ na pag-unlad ng buong bansa.­