Ang tindi pa rin ng alindog ni Katarina Rodriguez kahit nabigo itong masungkit ang Miss World 2018 title! Ang importante ay humahalimuyak pa rin ang kanyang kaseksihan.

Actually, mukhang mas inspired ito ngayon at nababalutan ng red roses ang kanyang kapaligiran.

Mukhang inlababo si Katarina sa isang restaurateur na laging nagsi-surf sa Siargao.

Ang mga lumabas na bikini shots ni Katarina ay kuha sa bakasyon niya sa Siargao kasama ang kanyang boylet.

Kakaiba rin ang dating ng appeal niya dahil parang mga butil ng bril­yante na kumikislap sa buhanginan sa sinag ng araw.

Ang mga bikini photo niya ay nakakaakit na ng atensyon. Mala-magnet na unti-unting ipinapako ang mga mata mo sa bawat parte ng katawan niya.

Sa pagpapantasya pa lang sa ­angas ng ganda nito, nakakapanghina na ng tuhod.