Luhaan sa kaagahan ng kompetisyon sa Miss World 2018 ang kandidata ng Pilipinas na si Katarina Rodriguez na ginanap sa China.

Sa kabuuang 118 naggagandahang dilag mula sa iba’t ibang bansa, laglag ang pambato ng Pilipinas na makapasok sa Top 30.

Sa pre-pageant events, 17 candidates agad ang pasok sa first cut at nagdagdag pa ng 13 para mabuo ang Top 30.

Ang mga sumusunod ay bumubuo sa Top 30: Bangladesh, Chile, France, India, Indonesia, Japan, Malaysia, Mauritius, Mexico, Nepal, New Zealand, Singapore, Thailand, Uganda, US, Vene­zuela, Vietnam China, Cook Islands, Belarus, Belgium, Northern Ireland, Russia, Scotland, Nigeria, South Africa, Panama, Barbados, Jamaica at Martinique.

Tanging si Megan Young lamang ang nag-iisa Filipina na nanalong Miss World noong 2013.

“Wag naman ganyan, hindi araw araw fiesta at’ wag isipin na candidate lang natin ang deserving,” reaksyon ng netizen sa na­ging kapalaran ni Katarina.