tonite-this-is-it-roldan-castro
Bagong Miss World si Miss Mexico Vanessa Ponce de Leon. 117  na kandidata ang kanyang nilampaso. Ang pageant ay ginanap sa Sanya City Arena  sa China.
Pinutungan siya ng korona ng Miss World 2017 na si Manushi Chhillar.
First runner-up naman si Nicolene Pichapa Limsnukan  ng Thailand Ang mga nanalong  Continental Queen:
Miss World Europe – Maria Vasilevich (Belarus)
Miss World Caribbean – Kadijah Robinson (Jamaica)
Miss World Americas – Solaris Barba (Panama) Miss World Africa – Quiin  Abenakyo (Uganda) Miss World Asia and Oceania – Nicolene Pichapa Limsnukan (Thailand) Samantala, bigong makapasok ang pambato ng Pilipinas na  si Katarina Rodriguez  sa Top 30.  Super nganga siya kay Miss Mexico.

CDO iwas traffic  sa Honestbee

Wala ka bang oras para mag-shopping? Ganoon din ang mga taga-showbiz na sobrang abala ngayon sa kaliwa’t kanan na ganap.Ayaw mo bang  makipagsabayan sa traffic?
 Ilang araw na lang at Pasko na at isa sa pinaghahandaan ng bawat Pinoy ay ang Noche Buena at Media Noche, family get-togethers, holiday reunions at Christmas parties!
May good news ang CDO!
Makakabili na ng mga CDO Christmas products sa online sa pamamagitan ng Honestbee.
At dahil sa partnership ng CDO at Honestbee, siguradong ang mga CDO favorites tulad ng CDO Christmas Treasures, CDO Premium Holi­day Ham, CDO Pista Ham, CDO Jamon de Bola, CDO Pear-Shaped Ham, Danes Cheese Ball, Danes Classic Cheese, Danes Mayo Dressing at CDO Sweet Preserves ay made-deliver na sa inyong mga tahanan at garantisadong mas magiging masaya at magaan ang Kapaskuhan.
Sa isang simpleng pag-click online, tuloy na tuloy ang mga Filipino tradition na paghahain ng mga Christmas food tulad ng ham at queso de bola tuwing Noche Buena at Media Noche. At sa pakiki­pag-partner sa Honestbee, CDO has guaranteed an online delivery that is not just dependable but also easy to navigate. Perfect para sa mga busy mothers, yuppies at millennials alike, na mas madalas, naka-depende talaga sa online shopping. Ho­nestbee completes the convenience by delivering the goods ordered online.
Bukod dito, sinisigurado rin ng CDO para sa kanilang kauna-unahang online store sa Honestbee App na ang CDO Christmas Selection by CDO Food Store ay fresh at direct mula sa CDO Food Stores na ihahatid ng Ho­nestbee couriers.
And as expected, kapag mula sa CDO ay may iba’t ibang high quality products na mae-enjoy hindi lang tuwing Kapaskuhan pati rin sa araw-araw.

Onyok pinalitan ni Enzo

Matapos mag-expire ang contract ni Onyok Pineda sa Hammerhead for Kids Jeans & Shirts na tumagal din ng dalawang taon, ang nasabing appa­rel brand ay may bago nang image model sa katauhan ni Enzo Pelojero.
Si Enzo ay ang 7-year-old Kapamilya talent na naging second runner-up sa pa-contest ng “It’s Showtime” na “Mini-Me” noong 2015.  Siya ay mini-me ni Daniel Padilla.
Pagkatapos nito ay na­ging bahagi pa rin siya ng “It’s Showtime” sa Sinemoto segment. Tumagal ito ng tatlong buwan at nakilala  siya bilang si “Blad.”
Kasunod nito ay ang ilang gues­tings niya sa “Maalaala Mo Kaya” hanggang kunin siya sa isang espes­yal na papel sa 2017 Metro Manila Film Festival entry na “Ang Panday” ni Coco Martin.
Sa ngayon siya ay bahagi pa rin ng top rating at long-running teleserye ng ABS-CBN na “Ang Probins­yano” bilang si Dexter. Nakilala rin siyang si Bingo  sa seryeng “My Dear Heart.”
Bukod dito, abala si Enzo sa taping ng tele­seryeng “Starla” na pinagbibidahan ni Ms. Judy Ann Santos. Nakatakda itong ipalabas sa susunod na taon.
Nakatanggap na rin siya ng nominations mula sa Philippine Movie Press Club’s Star Awards for TV  bilang Best Child  Perfor­mer ng taong 2017 at  2018.
Dahil sa achievements niyang ito kaya siya ang napili ng management ng Hammerhead for Kids na maging child celebrity endorser ng kanilang shirt & jeans line. Bukod sa kanyang positibong disposis­yon sa buhay, kinunsider din ang kanyang stylish, very millennial at hip na pananamit.

Alona Alegre pumanaw na

Yumao  na ang aktres na si Alona Alegre sa edad 70.  Ayon sa report namatay  ito sa sakit na asthma at cardiac arrest.
Si Alona ay kabilang sa Salvador clan ng showbiz. Kapatid niya ang sikat na action star na si Phillip Salvador, Ramon Salvador  at pamangkin ang aktres na si Maja Salvador.
Dating child star si Alona. Lumabas siya nu’ng 1955 sa pelikulang “Tagapagmana.” Na­ging Leading lady rin siya ni Fernando Poe Jr. sa  pelikulang “Esteban” at “Sto. Domingo.” Naging kapareha rin siya ni Ramon Revilla, Sr. sa “Nardong Putik.”