WebClick Tracer

Katarina panalo sa bikini – Abante Tonite
Skip to content
Abante Tonite
  • NEWS
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • BLIND ITEM
  • OPINION
  • LIFESTYLE
  • HOROSCOPE

Katarina panalo sa bikini

Jun 06, 2020 (Jun 06, 2020) Abante Tonite

NI: REY PUMALOY

Iilan na lang ang natitirang matibay na mag-post sa kani-kanilang mga social media account ng mga sexy photo.

At isa na nga rito ay ang beauty queen at former Miss World na si Katarina Rodriguez.

Kung iba ay nagpahinga na muna sa kanilang sexy posting sa Instagram, si Katarina ay tuluy-tuloy. Animo’y hindi nauubusan ng mga bikini shots.

Paano naman kasi naka-base na ito sa Siargao. Ito ang islang pinamamahayan na ni Andi Eigenmann at ng kasalukuyang girlfriend ni Zanjoe Marudo na si Josie Prendergast.

Hindi lang niya iniinggit ang mga netizen sa paninirahan sa nasabing paraiso,kundi pati na rin ang kanyang kaseksihan na hindi man lang napingasan sa pagdaan ng mga araw.

Nanatiling masarap sa paningin ng lahat ang porma ni Katarina.

Kumbaga, sa seafoods walang kasing-linamnam ang alindog niya. Hitsurang masarap itong pulutanin.

Isa si Katarina sa mga celebrity na kahit anong panahon, anong krisis at problema ng bansa ay hindi maapektuhan ang beauty,

Magsisilbi pa nga itong inspirasyon ng mga kalalakihang naghahanap ng mapagtutuunan ng atensyon.

Kung ang dyowa ay gaya ni Katarina, hinding-hindi mo na nanaising balikan ang buhay sa syudad para lang sa isla ng Siargao.

Kapiling mo na si Eva sa paraiso. Bakit mo pa gugustuhing mamuhay sa tensyon ng city life?

Showbiz, Showbiz Stories Andi Eigenmann, beauty queen, former Miss World, Josie Prendergast, Katarina Rodriguez, sexy photo, social media account

Post navigation

 Toni sinibak ang showCoco isasalba lugi ng ABS-CBN 
Copyright © 2018 | Powered by WordPress. proBD - by Keramot UL Islam