Kaaliw ‘yung kinukum­para ng netizens ngayon ang first day gross ng KathNiel and KathDen movies na “The Hows of Us” and “Hello, Love, Goodbye” respectively.

Ipinalabas ang “The Hows of Us” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla last year on Aug. 29 and up to this date, ang nasabing pelikula ang may hawak ng titulong highest-grossing Filipino film of all time, grossing more than P601M.

Ang first day gross ng THOU ay P35.9 million in 225 cinemas habang ang HLG last Wednesday ay P34.5M in 350 cinemas. Halos hindi nagkakalayo (a difference of P1.4M) although you could see na lamang pa ng sinehan ang KathDen movie.

Kinukumpara rin ng netizens ang 3-day gross ng dalawang pelikula. In 3 days ay kumita ng P116M ang THOU habang ang HLG naman ay P110.8M. Again, lamang pa rin ang KathNiel movie pero halos hindi rin nagkakalayo.

At ang mas nakakatuwa, ayon sa mga fan, pareho rin daw maulan habang showing ang dalawang pelikula.

Ang inaabangan ngayon ng mga fan ay kung malalampasan ba ng KathDen movie ang P601.2M (local gross) ng KathNiel movie.

Samantala, nag-uumapaw naman ang saya ni Alden sa higanteng success ng pelikula. Halos araw-araw simula nang ipalabas ito ay may post siya ng pasasalamat.

Kahapon ay nag-post si Alden ng throwback photo nila nina Kathryn and direk Cathy Garcia-Molina habang nagsu-shoot ng pelikula sa Hong Kong.
“Sobrang maulan din when we shot this scene. Pagod and gutom na kaming lahat, but it was all worth it.

“Iba si LORD. Thank you all for braving the rain to watch our film, but ingat po tayong lahat. I see your messages and stories — my heart is full of gratitude,” ang caption ni Alden.

Marco naligalig sa RM na nagsisigaw

Shocked ang naging initial reaction ni Marco Gumabao nang sabihin sa kanyang makakapareha niya ang nag-iisang Diyosa na si Anne Curtis sa isang pelikula.

Kuwento ni Marco sa presscon ng “Just a Stranger”, nasa bahay daw siya nang tawagan siya ng kanyang road manager at sumisigaw na raw ito sa sobrang excitement.

“Basta sumisigaw lang siya over the phone and hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Akala ko, may nagawa akong masama or may kalokohan na naman akong nagawa.

“So, when she told me na parang ‘Coy, partner ka ni Anne,’ nu’ng first, hindi ako makapaniwala. Sabi ko, ‘what do you mean partner?’ Like what kind of movie or… like that. She explained it to me and at first, I was really in shock. Sobrang gulat na gulat po talaga ako,” kuwento ni Marco.

Actually ay nagkatrabaho na sila ni Anne sa “Aurora” last year pero hindi naman siya ang leading man at ibang-iba raw talaga sa “Just a Stranger” na sila ang bida.

Pagkatapos daw ikuwento sa kanya ng RM niya ang story at mga detalye, sobrang na-excite na raw siya.

“Of course, ang nag-iisang Diyosa ng Pilipinas, si Miss Anne Curtis, it’s such a privilege to be paired up with her and of course, to work with her. Super-privileged and very happy na ako ang nakuha ng Viva,” sey niya.

At dahil nga may mga maiinit silang love scenes ni Anne sa movie na first time niyang ginawa, sobrang kabado raw siya talaga.

“Kabadong-kabado po talaga ako noong una because it was my first time. Pero si direk (Jason Paul La­xamana) and Anne, they took care of me naman. And they made me feel very comfortable with it,” kuwento ni Marco.
Showing na ngayong Aug. 21 ang “Just a Stranger” hatid ng Viva Films.