Si Kathleen Joy Paton, ang Filipino-Australian na hinirang na Miss Manila 2018 at Miss Teen International 2017, inamin na ni Derrick Monasterio na yes oh yes, sila ay nasa getting to know each other stage, they are indeed dating!
Kaya sa mga babaeng object of their affection si Derrick at sa mga bading na object of their desire ang binatang may pinakamasarap na kili-kili sa balat ng lupa, hindi na uubra ang inyong mga dasal at pagsusumamo sa mga Pulis Pangkalawakan, si Paton ang pinaka-suwerteng babae sa entire universe kung saka-sakaling ang dating phase na ito will lead into a romantic relasyon.
Parang nakikini-kita ko na maraming babaita ang binasag ang kanilang mga pinggan at platito with matching pagluha.
Ang ibang sangkabaklaan naman, pinapahasa ang lahat ng mga bagay na matutulis. Bakit kaniyo? Just so in case na makasulubong nila itong si Kathleen Joy, may chance na gurlis at galos ang aabutin niya. Poot na poot sa kanya ang mga bekibel na hibang sa katawang pangromansa ni Derrick kaya hindi dapat magpahara-hara si Paton sa kalye, huh!
Si Kathleen, ang kariktan at alindog, pang-diyosa ng kagandahan, pag-ibig at libog. Match na match ang pisikal nilang kaanyuan ni Monasterio. Isang babaeng-babaeng may dakilang ganda, at isang barakong parang isa, dalawa, may sasakmalin ka pang dakilang palo-palo. Hahahaha!
Hindi pa sinusukuan ni Derrick ang panliligaw kay Kathleen Joy. ‘Pag naging sila na sa malapit na hinaharap, makakaasa ang dalaga na ang mga basher at hater, hindi siya tatantanan.
***
Joyce Ching ikakasal na
Dahil weekend na, sa ‘di ko maintindihang dahilan, pansin na pansin ko ang chikang si Joyce Ching, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend, si Kevin Alimon.
Ay, the WHO si Joyce Ching? Siya lang naman ang perennial partner ni Kristoffer Martin.
Ngayong, girl ikakasal na nga siya, si Kristoffer ay kasalukuyang kasali sa “Dragon Lady.” Ang namayapang character actor na si Kristofer King, naging kuya ni Kristoffer sa pelikulang “Oros.” Sa aking pagkaka-alala, ang dalawa ay may inuwing mga tropeo dahil sa pelikula. Best actor ang King. Best supporting actor naman para kay Martin.
Speaking of another Joyce, si Pring naman na walang dudang isa pang the WHO, ligawan stage pa lang daw sila, iyan ang dramarama ni Juancho Trivino, ang alleged, one time, big-time, boyfriend daw sa dilim ni Maine Mendoza.
Ngayong tag-init, underwear model na si Juancho para sa isang local brand kaya may chance na mabura ang pagiging the WHO nito lalo na nga’t may mga pakili-kili at pa-bukol shots na ang binatang makisig.
Kamusta naman ang isa pang Joyce, ‘yung Jimenez? Ay, parang happy wifey na siya sa isang bansa at sure akong hindi niya mamasamain kung para sa mga millennial, isa talaga siyang the WHO dahil hindi nila kakilala ito.