KathNiel, Angel , Bea pinagtripan sa ‘Laban Kapamilya’

Pinagpistahan sa social media ang edited version ng ‘Laban Kapamilya’ photo nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Angel Locsin, Bea Alonzo, Enrique Gil, Piolo Pascual, Richard Gutierrez , Vice Ganda, Gerald Anderson atbp.

May part 2 pa ito sa Facebook ni Ceferlu na ang caption ay “Oh request niyo round 2, katuwaan lang mga siraulo.”

Hindi naawat nagkaroon pa ng part 3 . Sey niya: “Oh round 3 last hurrah, bawal maselan. Wala po akong galit sa mga artista past time ko lang talga mag-edit, bawal maramdamin. bawal din mag pm tapos sasabihn mamatay na ko hahaha GV. CTTO LabanKapamilya Wall .Oh wag na magalit.”

Naaliw ang ilang netizen na nakakakita sa mga photo. Nakakuyom ang mga kamay ng mga Kapamilya star na nakalagay sa kanilang dibdib. Pinaglaruan nila ito sa edited version dahil nilagyan ng iba’t ibang bagay na hawak ng mga artista. Meron, fried chicken, pusa, manika, plastic bag na may sardinas, kamote etc.

Bukod dito, sa Facebook naman ni Vman Pineda laugh trip na siningitan ng best comment ang photo ng mga artista. Kahit ang dating Presidente ng ABS-CBN 2 na si Ms. Charo Santos ay hindi nakaligtas. May naka-insert na comment sa photo niya na Dear Charo, Ako to, kaibigan mong tunay. Nagmamahal, Mel. May hashtag pang #AarayPeroBibigay! #LabanLang! #Alaxan!

Bagamat may mga natuwa marami rin ang nagalit sa edited version ng mga larawan. Comment ng mga netizen :
“Good job as gumawa ang galing,.”

“d ko magets kung ano ibig sabihin nito, pero nakakatawa yung pagkaka edit.”

“Kaya di umaangat Pilipinas. Kapwa pilipino dinadrag pababa. Ginagawang katatawan.”

“wala na ba kaung ibang post? Ung may sense namn pls. Para nagagampanan nyo ung social responsibility nyo sa lipunan at sa mundo ng social media”

“Sa ganitong sitwasyon dapat gumagana din ang batas, NAKAKABASTOS NG PAGKATAO.”

“Mga wala kayong puso ginawa nyo yan..pilipino tayong lahat dapat tayo ay nagkakaisa at nagdadamayan..”

“Daig nyo pa walang pinag-aralan sa Mga Pangbabastos nyo sa Kapwa nyo Pinoy”