KathNiel, humulagpos na sa pa-tweetums

ANO ba ang latest sa tatlong biggest real & reel love teams sa Pilipinas nating mahal?
Sina Kathryn Bernardo & Daniel Padilla ang mga bagong Celebrity Ambassadors ng San Marino Corned Tuna.

May bago silang pelikulang shot in Barcelona, Spain na ang title ay A Love Untold.
Tungkol sa papara­ting na movie, ang pahayag ni Padilla, “Ito ang first movie namin na mature na talaga ang role. Parang ibang step naman ‘to, parang tapos na namin ang first step ng buhay namin.”

Siempre pa, ang kanyang lady love, second the motion, “Yes, level up na talaga kami ngayon, career wise, feeling namin, mas mataas na antas na kami kaya nga exciting.”
Bago nabuo ang love team nilang dalawa, panandaliang naging Kapuso si Bernardo at ang tween kapareha niya ay si Kristoffer Martin.

Mukhang destiny played a great part kaya sila ang naging magkapareha and time flies indeed.
Imagine, limang taon na pala ang KathNiel.

At hindi na dapat isa-isahin pa kung anu-ano ang achievements nila bilang the Kapamilya’s biggest love pairing.
Blessing ang turing nina Kathryn at Daniel na sila ang maging brand ambassador of the tuna brand at para sa kanila, masarap talaga ito.

***

James Reid at Nadine Lustre
James Reid at Nadine Lustre

Hindi na dapat i-push at siguradong walang usog ang partnership nina James Reid & Nadine Lustre.
Ang JaDine ang la­test Bench clothing ambassadors.
Undeniable ang fact na pogilicious at papable si Reid.

Nang kumanta siya at rumampa with his perfectly styled clothes, grabe ang tilian sa kanya.
Dahil mas mara­ming babaita during their launch, mas malakas ang tilian sa kanya.
Naughty pa itong si James. Dahil may slit or zippers ba ‘yung adornment sa suot niyang shirt, itinataas niya ‘yun to show off a tiny bit of his toned body.

Ang resulta, scream as if there is no tomorrow ang predominantly female crowd.
Undeniable rin na ang crowd present sa ve­nue, sila lamang ang nakakain­tindi at appreciated ang song choice ni “hubby” Reid during his performance

Si “wifey” Nadine, in fairness, nag-effort na ipakita ang kanyang dance at balakang moves.
Appreciated naman of the people. And just like her hubby, sila-sila rin lang ang natuwa sa kinanta ni Nadine.

Ang inyong diva that you love, ang pakiwari sa ginawa nina James at Nadine, singing with an attitude.
Hindi ko pa rin ma-getz ang messages of their songs. Generational gap na ba ito? Hahahahaha!

‘Yung physical contrast nina James at Nadine, ‘yun yata ang magic nila. Tisoy na heartthrob plus Pinay looking na somewhat of plain Jane itong si Nadine pero ‘pag pinagdikit na at pinagsama, BOOM!
Walastik, fantastic ang kanilang combination.

AlDub, classy ang pa-sexy

Sina Alden Richards at Maine Mendoza, pagkatapos ng mammoth hit na Imagine You and Me, pumunta sa Morocco para sa isang fashion shoot.
Ano kayang fashion template ang gagamitin nila?

Nerdy, bohemian chic ang pinapauso sa leading catwalks sa major fashion capitals.
‘Yun kaya ang fashion pegs nila for the shoot or mas ibabagay nila sa Morocco ang kanilang fashion pieces?

I love to see Alden in florals. Iba ang dating pag ang lalaki ay naka-floral number.
It shows how confident he is with his masculinity lalo na’t ang hirap nitong i-pull off.
Sa mga Asian, ang mga fashion forward men na South Korean at Japa­nese lamang ang walang takot na mag-floral whether as tops or pants.

Si Maine, bold and daring animal prints para hindi na girly-girly at pa-sweet.
Saka off shoulders. palazzo pants at flowing skirts.
Bongga rin siguro if Maine and Alden will show a little skin para med­yo sexy.

Hindi naman Versace sexy at baka hindi pa sila handa sa ganu’n. ‘Yung mala pang-Gossip Girl kind of sexiness lang, branded at classy lang.