KathNiel idinamay sa aberya ng pelikula ni Liza

tonite-pak-allan-diones
Out na si Direk Erik Matti sa “Darna” movie na pagbibidahan ni Liza Soberano.

Medyo nalerky kami sa ilang comment na nabasa namin regarding this issue, na kesyo ‘sabotahe’ raw ito kay Liza at sa LizQuen loveteam.

Ang hirit ng ilang bida-bidang fan, ginawa raw ito para hindi masapawan ng LizQuen ang KathNiel. At may nag-comment pa na baka raw ibigay na kay Kathryn Bernardo ang Darna role.

Depensa naman ng mga KathNiel fan, anong kinalaman dito ni Kathryn at bakit ito dinadamay ng mga utak talangka?

Anila, maliwanag sa inilabas na official statement ng ABS-CBN na direktor ang papalitan at hindi si Liza, so bakit kaila­ngang idamay si Kath?

May nag-udyok pang palitan na rin daw si Liza at ibalik na lang ulit ang role kay Angel Locsin.

Sagot naman ng mga loyal fan ni Liza, ang “Darna” ay para kay Liza pa rin no matter what, dahil siya ang perfect na gumanap bilang Darna ng makabagong panahon.

Agree naman kami na bagay na bagay si Liza na maging millennial Darna, pero parang tumagal na nang husto ang project na ito at tila hindi na ito nawalan ng aberya.

Sana nga ay matuloy pa ito at maganda ang maging resulta ng pelikula.

In fairness ay may tweet kamakailan si Direk Erik na, “Liza is perfect as Darna. She’s passionate and very committed. You can see it on how she is taking training and fitness seriously.”

Wish namin na female director ang mapiling kapalit ni Direk Erik Matti. Parang “Wonder Woman” ni Gal Gadot na dinirek ni Patty Jenkins, na giniba ang takilya worldwide at nagtala ng maraming records. PAK!

Mark ayaw tanungin si Regine sa paglipat

Clueless si Mark Bautista sa balitang nilayasan na ni Regine Velasquez ang GMA at lilipat na ito sa ABS-CBN.

Sey ni Mark, hindi pa sila nagkakausap ni Songbird at hindi rin siya matanong sa mga ganu’ng bagay, lalo na ‘pag alam niyang sensitive.

Pero kahit siya naman daw ay galing din sa kabilang network, so para sa kanya ay kanya-kanyang desisyon ‘yan kung saan ka masaya. Masaya si Macmac dahil magbabalik-telebisyon siya sa bagong weekly Kapuso show na “Studio 7” na papalit sa natapos na show ni Regine na “The Clash”.

Kuwento sa amin ni Mark, after niyang gawin ang APO musical ay naisip niyang mag-Amerika na lang to explore some more doon bago siya mag-40-anyos.

Eh biglang may dumating na blessing sa kanya, ito ngang “Studio 7”. So, sabi niya ay baka hindi pa right timing para mag-US siya.

Ang tagal din niyang hindi lumabas sa TV at mas nag-concentrate siya sa teatro. Perfect daw ang “Studio 7” na ibinabalik ng GMA ang musical variety show format kaya na-excite siya rito at gusto niya munang mag-focus at i-enjoy ito.

Sa October 14 ang premiere episode ng “Studio 7” na makakasama ni Mark sina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Legaspi twins Cassy & Mavy at marami pang iba sa direksyon ni Miguel Tanchangco.