KathNiel inunahan: lizquen magbabalik na

KathNiel inunahan: lizquen magbabalik na

Sa wakas ay magbabalik na ang celebrity couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil. Ito’y matapos ang halos ilang buwan nilang pamamalagi sa US para sa pagpapagamot ng injury ni Liza sa kanyang daliri.

Ngayong naka-recover na si Liza mula sa iba’t ibang surgery na pinagdaanan niya, nakatakda na silang lumabas muli sa telebisyon.

Nagsimula na umano ang magkasinta­han sa kanilang bagong teleserye. Ibinahagi ang magandang balita ng talent mana­ger ni Liza na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel.

Dumalo ang celeb couple sa story conference ng kanilang bagong teleserye.

Ani Enrique, “Super exciting!!! Huwag kayong mag-alala guys, malapit na kaming lumabas. Wait lang kayo diyan. Sa mga fan na naghihintay diyan, alam ko you guys are very disappointed, you guys are sad, but don’t be sad, we are here. We are happy, we are in love and we are thinking about you everyday. Kaya ito na lalabas na kami soon.”

Ikinuwento rin nila ang ibang detalye sa upcoming teleserye sa ilalim ng Star Creatives. Ayon pa kay Enrique, “spunky” ang karakter na gagampanan ni Liza. Para naman sa aktres ay “seksi” ang datingan ng kasintahan.

Marami ang excited sa pagbabalik-telebisyon ng LizQuen, lalo pa at hindi lang sa teleserye sila magtatambal kundi maging sa bagong pelikula.

Samantala, iniintriga naman ng mga netizen na naunahan pa raw ng LizQuen ang KathNiel na magkaroon ulit ng teleserye.