NI:RONA RONDA

Sa kabila ng tagumpay ng KathNiel, mapa-teleserye o pelikula, may takot pa rin sa aktor na si Daniel Padilla. Mag-iisang dekada na rin magsimula nang magsama sila ni Kathryn Bernardo.

Sa live interview sa Facebook para sa #ExtendTheLove fundraising efforts, sinabi ni Daniel na kaakibat ng bawat pelikula ay ang challenge kung paano ang magiging execution nito.

Ani Daniel, “Mahirap, kasi ang dami na naming nagawa eh. Ang dami na naming pelikulang nagawa, laging challenge.”

Maging ang box-office film nila na “Hows of Us” noong Augusto 2018, ay aminado silang nagduda kung tatangkilikin ba ng tao.

Kaya’t sa bawat pelikula ng reel to real loveteam, gusto nilang may bagong maipapakita sa masa. Lalo na’t malaking hamon sa kanila kung kikita ba ito.

Nakakalungkot nga lang na sa pagbabalik-tambalan nila, matapos ang pelikula nina Kathryn at Alden Richards ay naantala naman ito. Apektado rin kasi ang pagbuo ng comeback film nila na “After Forever” dahil sa pandemic.