IPAGDIRIWANG ng Star Magic ang ika-25 taon nito sa two-part episode ng ASAP sa Araneta Coliseum simula bukas (Linggo, Mayo 21) nang 11:30 AM sa ABS-CBN.

Pangungunahan ito nina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales at Piolo Pascual.

Magpapakitang-gilas ang love teams nina Liza Soberano & Enrique Gil, Janella Salvador & Elmo Magalona, Julia Barretto & Joshua Garcia, at Kathryn Bernardo & Daniel Padilla.

Nagliliyab na surpresa­ ang hatid ng ASAP ­Coverboys, kasama ang iba pang maiinit na Star Magic stars.

Payanig din syempre si Maja Salvador, at ang mga bida ng Ikaw Lang Ang Iibigin na sina Kim Chiu & Gerald Anderson.

Ibabahagi nina Pokwang, Maymay Entrata & Alora Sasam ang kani-kanyang buhay sa ASAP LSS at bibigyang-musika ito ng Star Magic teens & young artists, kasama sina Angeline Quinto, Yeng Constantino & ­Jolina Magdangal.