NI: ARCHIE LIAO

Sa isang panayam kay Daniel Padilla, ibinahagi nito ang tungkol sa estado ng relasyon nila ng nobyang si Kathryn Bernardo.

Ayon kay DJ, lalo raw tumatatag ang ‘lockdown relationship’ nila ni Kathryn.

Give and take raw ang sikreto ng kanilang tumitibay na relasyon.

Si Kath din daw ang babaeng nakikita niyang pakakasalan at gustong makapiling habang buhay.

Kasama rin daw sa plano nila ang magkaroon ng dream beach wedding.

Kung may konting bisyo raw sila, ito raw ay ang tumingin ng bahay na magiging pugad ng kanilang pagmamahalan sa hinaharap.

Ikinuwento rin niya na marami ring pagsubok na pinagdaanan ang kanilang relasyon at kung buhay pa ito hanggang ngayon ay dahil pinili nilang mag-stay sa kabila ng mga naging balakid.

25 years old na si Daniel noong Abril 26 at sa darating na Mayo ay magdiriwang sila ng ikawalong anibersaryo ni Kathryn bilang magdyowa. (Archie Liao)