KathNiel sinadyang paghiwalayin

tonite-pak-allan-dionesHindi pala nakasamang umalis si Alden Ri­chards ang “Eat Bulaga” Dabarkads nu’ng Martes papuntang Holy Land.

Tuesday afternoon ginanap ang storycon ng Alden-Kathryn Bernardo movie na gagawin ng Star Cinema. Gabi pa ang flight ng Dabarkads, so actually ay puwedeng sumama si Alden.

Kahapon nang tanghali (Philippine time) lumapag sa Tel Aviv sa Israel ang Dabarkads minus Alden. Ang sabi ng source namin ay susunod na lang doon ang Pambansang Bae tutal ay one week doon ang grupo.

Si Maine Mendoza ay may mga Israel pic nang pinost sa kanyang Instagram Stories at IG feed.

From another source ay October of last year pa pala nagbigay ng fee­lers ang Star Cinema sa kampo ni Alden tungkol sa movie with Kathryn.

Ang alam namin ay may exclusive movie contract na pinirmahan si Alden sa APT Entertainment, pero mukhang hindi ka-co-prod ang APT sa KathDen movie at solo lang ito ng Star Cinema.

Ang bongga na pina­yagan si Alden ng APT at ng GMA dahil mas lalaki pa siyang aktor sa movie project na ito with Kath. At tipong mala-Dingdong Dantes na rin ang dating ni Alden na pinapayagan ng GMA na gumawa ng movies with Star Cinema.

Gusto pala talaga ni Alden si Direk Cathy Garcia-Molina, so natuwa siya na ito ang magdidirek ng KathDen movie. Ang dami raw niyang napanood na pelikula ni Direk Cathy, isa na ang “One More Chance” ng idol niyang si John Lloyd Cruz.

Ayon sa aming source, nakaplano talaga nga­yong 2019 na paghiwalayin sina Kathryn at Dani­el Padilla para ipareha sa iba. Hindi in-ex­­­plain ng source kung bakit pinaghiwalay ang KathNiel.
***

Ryza may tsika sa pagpanaw ni Chokoleit

First time palang na-meet in person ni Ryza Cenon ang sumakabilang-buhay na komedyanteng si Chokoleit doon sa Abra kung saan naganap ang last performance ni Chokie bago ito pumanaw.

Nakausap namin si Ryza sa unang gabi ng lamay for Chokoleit at ang kuwento ng Kapamilya star ay siya talaga ang lumapit at nagpakilala kay Chokoleit nu’ng magdi-dinner sila sa isang gym doon sa Abra.

Wala raw kakaibang napansin si Ryza kay Chokie nu’ng gabing ‘yon, maliban sa mabagal ang pagkanta nito ng “Kahit Ayaw Mo Na” (ng This Band) na sinasabayan daw nila backstage habang kinakanta ito ni Chokoleit.

Sina Ryza at Paulo Avelino ang huling stars na sumalang sa variety show na ‘yon sa Abra. Pagbaba pa lang ni Chokie ng stage ay nag-collapse na ito, tapos ay sinugod ito ng ambulansiya sa malapit na ospital.

Sa bilis ng mga pangyayari, bago pa sumalang si Enchong Dee na susundan nina Ryza at Paulo ay ibinalita na sa kanila ng promoter na wala na si Chokoleit.

Naiyak daw ‘yung promoter habang sila naman ay shocked sa nangyari, but the show must go on. Hindi in-announce onstage ang nangyari kay Chokie, so walang alam ang audience sa naganap.

Ani Ryza, ang bigat ng pakiramdam at ang lulungkot nila nu’ng isa-isa na silang umaalis ng Abra pabalik ng Maynila dahil sa sinapit ni Chokoleit na kasa-kasama lang nila earlier that night.

Tama ‘yung kuwento sa amin ni Ryza na sa ambulansiya pa lang ay nalagutan na ng hininga ang 48-anyos na komedyante.
Tsika ng aming source, hindi kinaya ng ospital doon sa Bangued ‘yung severity ng emergency case ni Chokoleit kaya nagdesisyong dalhin ito sa Vigan na may mas advance na pasilidad ang ospital.

Isa’t kalaha­ting oras ang biyahe pa-Vigan. Mga 10 minutes pa lang at nasa Bangued pa ang ambulansiya ay bumigay na si Chokie sa matinding atake sa puso na may kasamang pulmonary edema.

Inaasahang dadagsa ang mga kasamahan sa industriya at lahat ng nagmamahal kay Chokoleit ngayong gabi sa eulogy at last night ng kanyang wake.
***

Janice join sa ‘Palengke Tour’ ni Chuckie

Eye candy si Chuckie Antonio. Ang bongga ng 26-anyos na Atenista at businessman dahil sumasama pala sa “Palengke Tour” niya si Janice de Belen, na bukod sa naging classmate before ay close friend ng mother ni Chuckie na si Mrs. Pinky Antonio. Tumatakbo ngayon si Chuckie na konsehal sa 3rd District ng Quezon City.

Nu’ng isang araw ay nag-palengke tour sila sa Nepa Q-Mart.
Loveless daw ang mala-heartthrob na si Chuckie,­ na mahilig sa Chinita girls kaya ang crush niya sa showbiz ay si Kim Chiu.