“It’s not for me,” ang sagot ni Kathryn Bernardo sa latest video interview sa kanya when asked kung balak ba niyang mag-audition sa “Darna” movie.

“Darna is such an ico­nic role. Alam mo, dream lahat ng babae siguro na maging si Darna pero maybe, it’s not for me. Kasi, hindi porke’t gusto mo ‘yung role, puwede sa ‘yo. For me, may binabagayan siya,” pahayag ni Kathryn.

Dagdag pa niya, ang nai-imagine niyang Darna ay ‘yung someone na mas matanda sa kanya nang kaunti, na “woman” na raw talaga.

Pero natuwa naman daw siya sa mga netizen na siya ang choice for the role.

“Pero kung tatanungin nila ako kung sino ang perfect for the role, I don’t know. Kasi kahit ako, iniisip ko, sino pa ba ang puwede after ate Angel (Locsin) and hindi ko alam kung sino, so whoever man ‘yung mapili for the role, kailangan talagang sobra-sobrang paghandaan, bigyan ng maraming trainings kasi hindi joke ‘yung Darna.

“So, ewan ko, hindi ko alam, I don’t think it’s for me, kasi sobrang bigat ng Darna,” aniya.

At kung sinuman daw ang mapipiling bagong Darna ay ibibigay niya ang kanyang full support.

Samantala, kahapon ay lumipad na si Kathryn at Alden Richards patungong Hong Kong para mag-shoot ng pelikula nilang pagtatambalan under Star Cinema.
***

Sammie bitter kina Maine, Arjo

Naba-bash ngayon ang ex-girlfriend ni Arjo Atayde na si Sammie Rimando ng GirlTrends dahil sa naging mensahe niya kamakailan para sa da­ting boyfriend.

Isang video ang ipinost sa Instagram ng sammieangelsofficial na tila mga fan ni Sammie kung saan ay sinasabi ng singer/dancer na “I’m happy for you but I’m happier” na tila patungkol kay Arjo na as we all know ay may bago nang pag-ibig na si Maine Mendoza.

Sa caption ay nakalagay na “Shout out to my Ex ‘Im Happy for you, but IM HAPPIER’ @sammie.”

Hindi nagustuhan ng ibang netizen ang pahayag ni Sammie at sinabihang nakikisakay daw ito sa issue.

Pagtatanggol naman ng isang netizen, natanong daw kasi ang mga member ng GirlTrends sa “It’s Showtime” na magbigay ng mensahe sa kani-kanilang ex kaya nasabi ‘yun ng dalaga.

“They were asked to give a shoutout to their exes in Showtime because their prod used the song Shoutout To My Ex. She wasn’t the only one who did it, other Girltrends and even hosts did it. She’s not riding on as others are implying,” pagtatanggol ng netizen.

Ganunpaman, marami pa rin ang nagsabing improper ang comment ni Sammie lalo na ‘yung line na mas masaya siya.

“She sounds pathetic and trying hard to appear cool. Sana tinigil niya na sa ‘I’m happy for you’ kaso may bitter pa na pahabol. Haha.”

May nagsabi ring bitter daw si Sammie, pa-witty at hindi pa nakaka-move on.
May mga komento rin kaming nabasa na pinagkukumpara pa ang beauty nina Maine at Sammie. May mga netizen na nagsabing mas maganda raw ang ex ni Arjo at mayroon din namang nagsabing mas bet nila ang beauty ng present.

Bigla tuloy nagkaroon ng rivalry ang dalawa ngayon dahil sa komento ni Sammie na nabigyan ng iba’t ibang pakahulugan.