“Thank You @aldenrichards02 for accepting this movie project:) and thank You Philip’s Celebrity Access for paving the way:) #5months­Preparation,” post sa Facebook ng isa sa executive ng Star Cinema at head ng Star Music na si Roxy Liquigan.

Malinaw na limang buwan na niluto ang KathDen tandem na ididirek ni Cathy ­Garcia-Molina.

Balitang sa Hong Kong ang ­location ng shooting. Gaganap umano silang ­Millennial OFW.

Nag-storycon kahapon kaya kumpirmadong ipinahiram na si Alden ng APT Entertainment. First time ng Pambansang Bae na gumawa ng movie sa Star Cinema.

“‘Yung thought na Star Cinema, tapos si Kathryn ang makakapareha ko with direk Cathy, parang total package na ito. Wala na akong mahihiling pa. Sobrang saya ko na I was given the chance to be here,” deklara ni Alden nang makapanayam sa storycon.

Kinakabahan si Kathryn kung paano ang mangyayari sa kanila ni Alden. The way na excited din ang Pambansang Bae kung paano katrabaho ang aktres.

Bagama’t positive ang feedback at marami ang nagsasabing bagay sila ni Kathryn sa movie, umaalma pa rin ang AlDub Nation sa Twitter. Bakit daw hindi matuloy-tuloy ang AlDub movie?

@s_belle13, “Coco-Maine-Bossing movie Alden-Kath movie Pero bakit…bakit hindi pwede ang Alden-Maine movie?”

@imrussell06, “Naexcite ako for Alden regarding sa movie mya si Kathryn. Pero may kirot. Bakit kasi hindi natutuloy tuloy ung AlDub Movie ko. Huhuhu”
@yhummytotz12, “Malamang mg guest din si Alden sa TWBA nian! My God excited ako sa mga tanong ni Tito Boy!”

May pananaw rin ang netizen sa paghihiwalay ng mga loveteam.

@heyalibelly, “It’s so refreshing to see loveteams branching out and going solo. As in real solo. Yung iba kasi family film lang eh. It excites a regular viewer like me. Nadine and Carlo interesting duo. And now.. Kathryn and Alden! Aba!!!!

Panawagan nina Alden at Kathryn sa mga fan na tangkilikin ang pelikula nila sa pag-grow ng kani-kanilang mga career. Story ang tingnan at hindi personal.