Kathryn buking ang trato sa gwardya

NI: ROLDAN CASTRO

Nagmalasakit si Kathryn Bernardo sa mga guwardiya at empleyado ng kanilang subdivision.

Nagbigay siya ng mga nakakahon na sachets ng powder. Puwede raw nila itong inumin ng tatlong beses sa isang araw para maging malakas at healthy.

Paliwanag ng aktres, mas nasa delikadong situwasyon ang mga guard. Maaari silang mahawa ng COVID-19 dahil sila ang humaharap sa maraming tao .

Gusto ng aktres na protektado ang mga ito habang nasa krisis tayo ng coronavirus.