Kathryn damay sa pandedma ni Inigo kay Maris

NI: RONA RONDA

Hina-hotseat ngayon ng MarNigo fans si Iñigo Pascual dahil sa pagtatanggol nito sa kaibigan na si Kathryn Bernardo. Matatandaan na nag-trending sa Twitter ang hashtag na #SakangSiKathryn .

Dahil dito, ‘di na nagpigil si Iñigo na ipagtanggol ang aktres. Aniya, “ wtf is wrong with people making a trend about Kath like that? May nakuha ba kayo sa ginagawa nyo. At least Kath is very successful.”

Minsan na rin nagsama sina Kathryn at Iñigo sa pelikula noong 2015 na “Crazy Beautiful You”.

Pero para sa ilang fan ng ay ‘di umano ito sapat na dahilan mas ipagtanggol ni Inigo si Kath kesa sa ex-girlfriend.

Noong panahong si Maris ang pinag-iinitan ng mga basher ay missing-in-action ang aktor. Hindi man lang umano nito ipinagtanggol ang young actress kahit na mas matagal ang pinagsamahan nila.

Kamakailan kasi ay naging sentro ng hate comments si Maris dahil sa opinyon niya kay Pangulong Duterte. Ito pa nga ang naging dahilan sa pagkaka-trend sa Twitter ng #BoycottMarisRacal.