Kathryn ‘di sumipot sa birthday ni Daniel

Ang daming naka-miss sa non-appearance ni Kathryn Bernardo sa birthday celebration ni Daniel Padilla kaninang umaga sa Magandang Buhay. Sa halip, ang nanay lang ni Kath na si Mommy Min Bernardo at pamangkin na si Lhexine ang nagbigay ng live video greetings.

Sa video message ni Mommy Min ay nagpasalamat siya kay Daniel sa pagmamahal na ipinapakita kay Kathryn at sa buong pamilya.

“Happy, happy birthday, young man, 25 years old ka na, parang kelan lang no? But ang wish ko sa ‘yo is to continue your good health, laging malakas, walang nararamdaman na kahit ano.

“And also, nagpapasalamat kami sa iyong pagmamahal hindi lamang kay Kathryn kungdi sa buong pamilya, especially rito sa little girl na ‘to (Lhexine). Thank you, nagsisilbi kang father figure sa kanya. In the absence of her father, nandiyan ka, nakikita namin kung gaano mo naman siya sinusuportahan at minamahal.

“Again, always take care and happy birthday again, DJ,” mensahe ni Mommy Min.

Ang cute rin ng message ni Lhexine for her tito DJ na “you’re the frontliner pag-ibig ni tita Kath.”

Sobrang na-touch naman si DJ sa pagbati ni Mommy Min at nagpasalamat din siya sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya.

Kinuwento ni Daniel na lagi rin siyang inaalagaan ni Mommy Min kapag nagkakasakit siya.

“Pag nagte-taping ako at nagkakasakit ako, laging si tita Min ‘yung nandiyan, siya ‘yung kasama ko sa ospital, siya ‘yung magtatakbo sa akin sa ospital.

“Tagapag-paalala ‘yan lagi sa akin ng mga bagay kapagka masyado na akong makulit. Isa ‘yan sa mga tagakatok ko, isa ‘yan sa mga tagapag-paala sa akin.

“I really appreciate that, kasi syempre, tingin ko kay tita Min ay isang nanay na rin,” sey ni Daniel.

Nag-tweet din si Mommy Min at humingi ng dispensa sa non-appearance ng anak sa birthday celebration ni DJ. She explained that Kath was not feeling well.

“To all the Momshies, to Magandang Buhay staff and to KathNiel fans who are excited for this guesting of Kath, we are very sorry if Kath wasn’t able to make it.

“Unfortunately, she is not feeling well when she woke up with puffy eyes this morning. I think this is due to an allergy,” paliwanag ni Mommy Min.

“Kathryn was looking forward to celebrate DJ’s bday and Magandang Buhay’s 4th anniversary before this happened.

“Pasensiya na po babawi po kami,” sey pa ng ina ni Kathryn.