NI: ROLDAN CASTRO

Pinatunayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na hindi pa sila hiwalay.

Napaka-sweet ng mensahe ni DJ sa kanyang girlfriend. Nangyari ito sa birthday presentation ni Kath sa ASAP Natin ‘To. Ipagdiriwang ni Kathryn ang kanyang 23rd birthday sa March 26.

“Ako ay laging nandito para sa ‘yo, para sumuporta, para prumotekta at mag-alaga at pasayahin ka. I love you very much, Bal,” deklara niya na ikinakilig ng mga fan ng KathNiel.

Pero marami rin ang nakapansin na hinihila ni Kathryn ang bra niya habang nagsasalita si DJ. Huling-huli ng kamera.