Ni: Rona Ronda
Sentro ng intriga kung ibabahay raw ba ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla?
Ito’y matapos niyang ibinahagi sa Instagram amg pagpapatayo ng kanyang dream house.
Kionontra naman agad ng mga KathNiel fan na titira si DJ dun dahil para sa pamilya ito ni Kath. Sigurado raw na ipagpapatayo ni Daniel ng mansion si Kathryn pag lumagay na sila sa tahimik.
Anyway, halos tatlong taon umano ang ginawang pagpaplano ng aktres sa nasabing bahay.
“It’s finally happening,” sey ng aktres.
Present pa sa ground breaking ceremony si DJ. Gayundin ang buong pamilya ni Kathryn.
“The construction of our dream home has officially begun. I still can’t believe it’s finally happening after 3 years of planning,”saad ng kanyang caption.
Matatandaan na noong July, sinabi ng aktres sa “Magandang Buhay” ang plano nila sa kanilang bagong tahanan.
“Gusto ko kapag nagpatayo ng dream house yung gusto na namin, yung nae-envision ni Mama kung ano ang gusto ko, lahat, sa buong family,” plano ng aktres.
Inulan ng pagbati sa panibagong achievement ng aktres at excited na rin ang mga fan sa kalalabasan ng kanyang dream house.