Kathryn, ITINADHANA kay Daniel

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

SUMEMPLANG sa takilya ang Dukot ni Enrique Gil na nakasabay ng blockbuster na Imagine You & Me ng AlDub.

Na-miss namin ang kidnap drama ni Direk Paul Soriano (na wala pang hit movie) dahil nu’ng araw na gusto na sana naming manood ay tinanggal na ito sa mga sinehan.

Balita ring hindi kalakasan ang How to Be Yours nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, na in fairness ay nagustuhan namin. Sobrang naguwapuhan at nagali­ngan kami kay Gerald.

Pero nang manood kami ng LFS nito sa Trinoma na nataon pang araw ng suweldo ay hindi kami karamihan sa loob ng sinehan.

Mukhang babawi ang Star Cinema sa ­upcoming KathNiel movie na Barcelona: A Love Untold.

Base sa teaser ­trailer ng pelikulang kinunan sa Spain ay mature na at hindi na pa-cute ang peg ng mga bidang sina ­Daniel Padilla & ­Kathryn Bernardo.

Working student sa Barcelona ang role ni Daniel habang si Kathryn ay umalis ng ­‘Pinas para mag-umpisa ng bagong buhay sa nasabing siyudad sa bansang Espanya.

Ang guwapo ni ­Daniel sa teaser.

Malinis manamit at parang ang bangu-bango.

Si Kathryn ay may kulay ang hair at kulut-kulutan. Nandu’n ‘yung attempt na magpaka-sophisticated, pero base sa teaser ay parang hindi kami convinced na na-achieve ‘yon ni Kath.

Wait namin kung mababago ang impression namin ‘pag napanood namin ang buong movie.

Bilang sa Barcelona sila nag-shoot, siyempre ay may scenes na kuha sa sikat na simbahan ng ­Sagrada Familia.

Meron ding eksena sa bench, kaya may mga nagreak agad na AlDub fans at sinabing ginaya lang ‘yon sa AlDub movie na IYAM.

As if naman wala nang ibang puwedeng gumamit ng bench sa pelikula at exclusive ‘yon sa AlDub.

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo
Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Sa dulo ng ­teaser ay parang magki-kiss ang KathNiel. Mukhang ­meron talaga nu’n ­dahil sa simula pa lang ay hina-­hype nang may kissing scene ang dalawa sa movie ni Direk Olivia Lamasan.

Kilig-kiligan din ang KN fans sa bagong TVC nina DJ at Kath para sa San Marino Corned Tuna.

Parang flashback ito sa totoong kuwento five years ago na nawalan ng kapartner si Kath, kaya kailangan siyang hanapan ng bagong kapareha.

Doon umentra sa eksena si Daniel, na masasabing fate or destiny dahil naging magka-loveteam ang dalawa and the rest is history.

Sabi ni Daniel, marami na silang nagawang commercials ni Kathryn, pero itong sa San Marino Corned Tuna ‘yung nagpakita kung paano sila nagkakilala at nagsimula ni Kath bilang magka-loveteam.

“Kilig ang commercial. Kilig, pero napaka-­natural,” nakangiting sabi nina Kath at DJ.

Sa tanong kung natagpuan na ba nila ang kanilang TRUE LOVE gaya ng tagline ng San Marino Corned Tuna, ang natatawang sagot ni Daniel ay, “Maybe! Siya (Kath) na lang ang tanu­ngin n’yo diyan!”

Sey ng Kapamilya Teen King, nasa ‘dating comfortably’ stage na ­silang dalawa.

Ang San Marino ang original at #1 Corned Tuna sa bansa.

It’s good for the heart dahil less ang oil nito at more tuna, plus rich in Omega 3 and DHA.

“Actually, nu’ng una ko pa lang natikman ang San Marino Corned Tuna, nagulat ako kasi, ang sarap… and eversince, I like it with crackers. Tapos, healthy pa,” pakli ni Kath.

“Healthy, pero ang sarap,” nakangiting dugtong ng lalong yuma-yummy na si Daniel.