Kathryn, komportable sa PAGPATONG ni Daniel

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

OFFICIALLY legal age na si Kathryn Bernardo who turned 21 last March 26.

Inalam namin kay Daniel Padilla kung anong mga ine-expect niyang pagbabago mula sa kanyang girlfie at ka-loveteam ngayong 21-anyos na ito.

“Wala naman ako actually ine-expect na… ‘yun nga, sinabi niya na marami siyang gustong gawin kagaya ng mga pagsayaw-sayaw niya, mga ganyan-ganyan.

“Okey naman dahil naggu-grow eh, si Kathryn. Naggu-grow siya and hindi mo siya puwedeng pigilan sa pag-grow na ‘yon. At siyempre, it comes from maturity din.

“Itong si Kath kasi, hindi siya tumitigil gu­malaw eh, na turo rin sa kanya ng ermat niya.

“Kagaya ng hindi siya tumigil sa pag-i-school niya. Nagda-dance lesson pa rin siya hanggang ngayon.

“Ano pa ‘yung ginagawa mo (baling niya kay Kath)? Mahilig siyang mag-gym, mga ganyan. Ha! Ha! Ha!

“Basta, active siya. So, maganda naman,” bulalas ni Daniel na mu­ling katambal si Kath sa Black Saturday offering ng Star Cinema na Can’t Help Falling in Love.

Sa presscon ng movie ay pinansin ng press ang isang kamay ni Daniel na palaging nasa tuhod o hita ni Kath.

Natatawang reak ni DJ, nalagay lang niya roon. Nagkataon lang na komportable siyang nakapatong ang kamay niya sa tuhod ni Kath.

Aniya, kaya rin nakapatong ang kamay niya rito ay dahil maiksi ‘yung suot na palda ni Kath.
So, parang action star lang siya na nakaprotekta sa leading lady niya.

Ang dayalog naman ni Kath, naipapakita lang nila kung gaano sila kakomportable sa isa’t isa ni DJ.

Sweet kasi ito sa lahat ng tao at ‘sobrang clingy’ ang natatawang description niya kay DJ.
Very affectionate.

Sa set ng movie nilang Can’t Help Falling in Love ay ganu’n din daw ito kina Direk Mae Cruz-Alviar. Kapag espesyal ‘yung tao ay ganu’n ang binata.

Si Kath ay aminadong gusto niya laging nakasukbit ‘yung braso niya sa braso ni DJ.

Dati ay hindi sweet si Kath, pero naging sweet siya dahil naimpluwensiyahan siya ni DJ.

“Exclusive po kaming dalawa. Exclusive kami sa isa’t isa,” ang nakangiting sagot ni Daniel sa tanong kung ano nang label nila ni Kathryn.

Hindi na nagulat ang press sa statement na ‘yon ni DJ dahil alam ng lahat na matagal na silang may relasyon ni Kath.