Kathryn laging naghahamon ng hiwalayan kay Daniel

Kathryn laging naghahamon ng hiwalayan kay Daniel

NI: ROMMEL PLACENTE

MAY nakausap kami na malapit kina Kathryn Bernado at Daniel Padilla.

Ayon sa kanya, maraming beses na raw na muntik nang maghiwalay ang dalawa.

Kapag nag-aaway raw ang mga ito, ay lagi raw naghahamon ng hiwalayan si Kathryn.

Ang ginagawa naman daw ni Daniel, after ng awayan nila. bumibili ito ng flowers para ibigay sa aktres at inaamo ito. At presto, nagkakabati na raw ulit sila. Hindi nauuwi sa split-up.

Ganu’n daw lagi ang ginagawa ni Daniel. Idinadaan niya sa flowers kapag may hindi sila pinagkakasunduan ni Kathryn.

Nakukuha niya raw sa pa-flowers ang girlfriend .

Pero mahal naman daw talaga ni Kath si Daniel kaya hindi niya ito natitiis.

“Siguro gusto lang ni Kath na lagi siyang binibigyan ni Daniel ng flowers, kaya lagi niyang tinatakot ito na maghiwalay sila. Mahilig lang siguro siya sa bulaklak,”natatawang sabi pa ng aming source.