ASTIG ang karakter ni Kathryn Bernardo sa fantaseryeng La Luna Sangre.
Habang tumatagal ay lalo siyang nagiging pogilicious.
https://www.instagram.com/p/BW6kv0kgTzb/?taken-by=bernardokath&hl=en
Syempre pa, bet na bet siya ng mga lesbianang mahilig sa mga butch.
May mga babaeng nagkaka-crush sa kanya. Nato-tomboy?!
Ang nakakawindang, may mga bading din na natotomboy sa kanya!
Iba ka, Kathryn!!!
***
Si Alexander ‘Xander’ Lee ang South Korean singer-actor na katambal ni Heart Evangelista sa Kapuso drama series na My Korean Jagiya.
Si Xander ay dating member ng bandang U KISS mula 2008 hanggang 2011.
Ayon sa Wikipedia, fluent si Xander sa pagsasalita ng English, Korean, Cantonese, at Mandarin.
Nakakapagsalita rin siya ng Japanese, Spanish, at Portuguese.
***
Oo, Virginia Pakokak!
FLOP ang bagong bukas na pelikulang Valerian and the City of a Thousand Planets.
$17M lamang ang opening weekend gross nito sa North America.
SEMPLANG!
Ang nanguna ay ang bagong bukas ding Dunkirk ($50.5M), na idinirek ni Christopher Nolan.
Pumangalawa ang bagong bukas na Girls Trip ($31.2M).
Pangatlo ang Spider-Man: Homecoming ($22.2M), na naka-$251.9M sa tatlong weekend.
Pang-apat ang War for the Planet of the Apes ($20.9M), na naka-$98.2M sa dalawang weekend.
Panlima ang Valerian.
***
Maganda ang tribute ng ASAP kay Celeste Legaspi lalo na ‘yung rebelasyon ni Lea Salonga na importante si Celeste sa kanya.
Ang unang OPM President ang nagkumbinsi kay Mommy Ligaya na mag-audition si Lea sa Miss Saigon, na nagpa-iba sa kurso ng karera ng ating Pinay World-class Performer.
Hindi ipinapakanta sa iba o wala pang nangangahas magrevive ng Tuliro na regalong komposisyon ng asawa ni Celeste sa kanya, si Lea lang.
At si Lea lang talaga. Bravo!