Kathryn nagmukhang ate ni Sarah

Ang daming natuwa nang makunang magkasama sina Sarah Geronimo at Kathryn Bernardo sa opening ng new season ng PBA sa Araneta Coliseum nu’ng Sunday.

Dalawang queens in one frame, kaya sobrang na-happy ang Popsters at Kathryn fans.

May mga nag-comment na sana ay magkatrabaho ang dalawa. Bagay raw palang gumanap na magkapatid sina Sarah at Kath.

Medyo harsh lang ‘yung ibang nag-comment na mas mukha pa raw bata si Sarah kesa kay Kathryn.

As in nagmukhang ate raw ni Sarah si Kathryn. Grabeh!

In fairness ay iba kasi talaga ang aura ngayon ni SG at kung kailan siya nag-asawa ay parang saka siya lalong nag-bloom.

Ang ganda ng epekto sa kanya na mas relaxed na ang buhay niya sa piling ng mister niyang si Matteo Guidicelli na tinatrato siyang reyna, kesa noong nasa poder pa siya ni Mommy Divine.

In fairness ay may sarili ring ganda ang love ni Daniel Padilla na si Kath. Mukhang okey nga ‘yung idea na pagsamahin sila ni Sarah in one movie.

Si Sarah ang endorser ng Phoenix Super LPG kaya siya ang napiling muse ng Phoenix Fuel Masters.

Ang daming nagpapiktyur kay Mrs. Gudicelli sa nasabing event. Kagulo ang mga players, kabilang na ang dating PBA star na Atoy Co na nakipag-selfie talaga kay SG.

Si Kathryn naman ang muse ng Magnolia Hotshots. Kinabog ng dalawa ang iba pang muses from other teams!

PAK!!

Sugod-Bahay ng EB nakakaaning sa COVID-19

Nakakaalarma na ang patuloy na pagkalat ng kinatatakutang novel coronavirus o COVID-19.

Pagkatapos sa Greenhills at BGC na mabilis nawala ang mga tao at nagmistulang ghost town ay balitang meron na rin sa Makati, Pasig at Quezon City, pati na rin sa Marikina.

Hindi na tuloy ang concert nina Ogie Alcasid at Ian Veneracion sa New Frontier Theater ngayong March.

Ang big concert dapat ni Gary Valenciano sa Araneta Coliseum sa April ay postponed na rin to a later date this year.

Ang cat café nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na Litterbucks sa Maginhawa, QC ay temporarily closed until further notice.

Magsasagawa raw sila ng sanitation to protect their cat-loving customers, sabi sa post ni Dennis.

Ang “Eat Bulaga” ay ititigil muna ang pagtanggap ng studio audience sa kanilang APT Studios sa Cainta.

Ayon sa announcement ng “EB” sa social media, ginagawa nila ito para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at bilang proteksyon sa mga tao sa likod ng show at maging sa audience na rin.

Ni-repost ni Alden Richards sa kanyang IG Story ang official statement na ‘yon ng “Eat Bulaga.”

Ang nakakalerky ay nagsu-Sugod Bahay pa rin sa mga barangay sina Ryan Agoncillo, Pia Guanio, Jimmy Santos at iba pang Dabarkads.

Medyo risky ito ngayon sa panahon ng pagkalat ng virus, so baka dapat waley na rin munang Sugod Bahay at sa studio na muna ang mga host just to be safe.

May live studio audience din ang
“It’s Showtime,” so gagaya rin kaya sila sa “Eat Bulaga” one of these days bilang precaution lalo pa’t may COVID cases na rin sa QC? Kalerky!!

Sa mga panahong ito ay makikita rin na pati mga artista ay at risk dahil nagpupunta sila kung saan-saan para mag-shooting o mag-taping at sari-saring tao ang nakakasalamuha nila.

Hindi naman kasi puwedeng sa loob lang ng studio ang mga taping at shooting, kaya nakakapraning din sa mga celeb na exposed sa ganitong risk.

Gustuhin man nilang manahimik sa bahay ay hindi puwede dahil paano na ang mga teleserye at pelikula na kailangan nilang gawin? Haaayyy…

Ito na ang pinakamatinding virus outbreak na naranasan sa buong mundo at habang tumatagal ay palala ito nang palala kaya nakakatakot.

Sana talaga matuklasan na ang lunas dito ASAP!!

PAK!!!