PINANOOD ko ang Barcelona: A Love Untold sa aking favorite Southern mall cinema.

Hindi ko na kinu­kwestiyon pa kung totoo ang P23M first day box office gross nito, at P130M cumulative gross sa unang limang araw.

Sabado ako nasa sinehan, second to the last movie screening. Kalahati lang ang mga upuang occupied at ang chikadorang takilyera, ang say matapos kong kumustahin ang pelikula, “Malakas naman po pero hindi kasinlakas nu’ng Imagine You and Me. Mas puno po lagi ‘yun at ang dami pang block screenings dito.”

Sa takilyera galing ‘yan.
Hindi ko na uulitin ang kuwento ng pelikula dahil marami nang nagrebyu tungkol dito.

Sa simula pa lang na magkamukha sina Celine at Mia, alam mo na agad na hindi bago ang kwento.

Parang may shades ba siya ng Till I Met You. Parehong tour guides ang characters nina Daniel Padilla at James Reid.

‘Yung role ni Kath, parang papel ni Nadine Lustre. Iyung babaeng handang magpaalipin by accepting so many jobs para makatulong sa pamil­ya and find her redemption.

Hindi ko na rin pakikialaman pa ang kuwento na ang daming ganap at ang daming gustong sabihin na tila ang point lang yata ay ipagduldulan sa mga manonood na “mature” at “mahusay” na sina Padilla at Bernardo bilang pa­ngunahing aktor at aktres.

There is a superficia­lity and disconnect about the movie na tila hindi nakatungtong sa realidad.

Parang hindi ganito ‘yung mga pelikula dati ni direk Olivia Lamasan na shot din abroad.
If you rewatch Sana’y Maulit Muli at Milan, mauunawaan n’yo ang ibig kong sabihin.

The only time na may semblance na totoong tao ang ginagampanan nina Daniel at Kathryn ay sa confrontation nina Padilla at Maria Isabel Lopez sa restaurant.

Sa eksenang ito, you really feel Ely’s hurt. ‘Yung pain, longing for his mom who abandoned him at an early age at ang lifelong suffering na dala-dala niya, all bottled up inside na he was no longer able to contain.

Ang galing ni Daniel sa eksena. Saktong-sakto ang timpla. Damang-dama mo na from his gut ga­ling ang muhi at sakit niyang dala-dala para sa nanay niya.

And boy, si Lopez na ang luha namumuo lang sa mga mata nito at hindi tumutulo, what a cinematic moment.

Ang strength of the movie ay talagang si Da­niel Padilla.

In full display ang kanyang dramatic range, from looking forlorn, the stillness that masquerades his wrath, speaking Spanish with authority and fluently at ang mga mata niya, hindi blangko.

Kita at dama mo pag malungkot, pensive, kinikilig, nasasaktan. Even his manner of crying, lalaking-lalaki ang pag-iyak. Hindi over the top ang pagngalngal.

Hindi nagmamakaawang PANSININ N’YO AKO, ANG HUSAY KO NA.
May subtlety. May texture ang pagganap.

***

Si Kathryn, in fairness to her, she did her best. Nag-effort siya to be Mia.
Kaya lang, she needs to work harder para makasabay sa husay ni Padilla.

Her case eh parang nangyari rin kay Maine Mendoza sa Imagine You and Me.

Yes, she looked so good to play the part, just like Maine, pero pag drama na, dama mong may kulang.

Parang ang pinaghandaan ni Bernardo ay ‘yung physical aspects of her role.
Kulot na buhok, check.

Pa-sexy na damit, check.
Perfect ang English lalo na ang delivery nito with a pangmayaman kolehiyala accent, check.

Pero dahil all she did in the movie was whine and cry, all her efforts were in vain.
Kasi, ‘yung objectives niya bilang Mia, parang hindi klaro sa kanya.

Kahit siya mismo, parang nagugulumihanan what does her character want ba to achieve and kita tuloy na she was struggling, if not at a lost in her performance.

Hindi ka tuloy maging fully sympathetic with her and whatever are her personal battles and demons.

Kita na may honesty si Kath na gusto niya sanang ibigay sa mga eksena pero hindi mo mapigilang mapansin na sa marami nilang eksena ni Daniel, leaps at bounds na ang nilamang nito sa kanya acting-wise.

If Kathryn is serious with her craft as actress, she must find an acting coach and mentor para tulungan siya.

She was fully committed to bring Mia to life pero hindi at par ang brillo at galing nila ni Daniel.

Dapat mas mag-aral at mas maging conscious si Kathryn sa kanyang character analysis at pagbibigay buhay sa roles niya.

She must be conscious of her units para mas ma-hit niya ng tama ang kanyang character objectives.