Kathryn pampasuwerte ang puto

Kathryn Bernardo celebrated her 24th birthday last March 26 at kung ang ibang artista ay nude or sexy photo ang birthday post, ang aktres ay lote ang kanyang ipinost kung saan ay sinimulan nang itayo ang kanyang dream house.

“Dreams do come true! Welcoming my birthday this year with one of the greatest gifts I could possibly ask for: my family’s dream house. It was a special day for all of us as the construction of our future home officially began, and I want to share this moment with all of you,” caption ni Kath.

Kasabay nito ay in-upload din ng aktres sa kanyang YouTube account ang vlog ng groundbreaking event ng dream house na ipinapatayo kung saan ay naroroon din ang boyfriend na si Daniel Padilla.

Simula ni Kath sa video, “this is a very special day kasi ground-breaking ‘to ng house namin, our first ever house na gagawin from the scratch.”

Bukod kay DJ (nickname ni Daniel) ay kasama rin of course ni Kath ang buong family niya, at may feng shui master pa silang kasama.

“Finally, after three years, we’re gonna start building our new house so, yehey! It’s a special day!” masaya pa niyang wika.

Ipinakita rin sa video ang lawak ng loteng pagtatayuan ng bahay.

Makikita ring nagdasal muna sila bago sila magsimula sa groundbreaking.

At sa payo rin ng feng shui master, kumain sila ng mga pagkaing umaalsa tulad ng puto at iba pang kakanin, gayundin ang mga pagkaing masuwerte at pangpahaba ng buhay tulad ng pansit.

“Ngayon, kakain tayo ng ano… according to our Feng Shui master, kakainin daw ‘yung mga pagkain na umaalsa para raw tuluy-tuloy ang suwerte,” ani Kath.

Tinanong ni Kath ang kanyang inang si Min Bernardo kung ano ang wish nito sa kanilang bahay.

“Ang major wish ko lang, ‘wag akong pumangit ‘pag natapos ‘tong bahay na ‘to. Dahil kasi, sinasabi nila, pumapangit daw ‘yung mga nagpapagawa ng bahay,” natatawang sabi ni Mommy Min.

“Hindi, talaga, excited lang ako. Hopefully, walang aberya, matapos ‘to nang dire-diretso, para pagka-25 years na ‘yung anak ko, ang ganda-ganda nu’ng dito ‘ko magse-celebrate ng birthday niya,” sey pa Mommy Min.

Ayon naman kay Kath, matagal na raw niyang pinaplano ang dream house na ito.

“Finally, natuloy na ‘yung house kasi ang tagal na nitong pinaplano pero parang ‘di siya meant pang mangyari three years ago, and then, last year. And then, ayun, finally, matutuloy na siya.

“Actually, aside sa ‘kin, ‘yung bahay na ‘to talaga, for mama and papa, Ito ‘yung dream house nila. So sa lahat ng tinrabaho at puyat ko, ito, mangyayari na siya,” sabi ng aktres.

@@@

Muling ibinabalik ng Ipaglaban Mo ang ilan sa mga best episodes ng programa at kabilang na rito ang Impostor na mapapanood ngayong Sabado, March 28.

Ang Impostor ay pinagbibidahan nina Rafael Rosel at JM de Guzman na kwento ng magkapatid na pareho ng identity.